*Larita Kutsarita - n. see THE AUTHOR
*Spoonfuls - n. articles/dispatches/scribbles by Larita Kutsarita
(Background photo by Aiess Alonso)

Tuesday, April 12, 2011

Itigil ang Pagsunog! Tutulan ang Demolisyon!



            Noong ika-11 ng Abril, 2011, isang maaliwalas na Lunes, muling nasunog ang Barangay Central.  Natupok ang 29 na kabahayan malapit sa PAG-ASA at nawalan ng tirahan ang mahigit-kumulang na 90 pamilya.  Ito ay ikalawa nang sunog matapos ang pangyayari noong ika-7 ng Pebrero ng parehong taon, at halos ‘di na mabilang na insidente ng pagkasunog sa mga barangay na nasasaklaw ng proyektong Quezon City Central Business District (QC-CBD).  Simula 2010 ay pinalalayas na ang mga residente sa North at East Triangle Areas at ipinalilipat sa Montalban, Rizal, isang napakalayong lugar na nakapuwesto sa “fault line” (unang tatamaan ng lindol o bagyo kapag gumuho ang lupa) at kung saan walang tubig, kuryente, at malinaw na kabuhayan.

           Maliban sa ‘di-makatarungang taktikang “voluntary demolition” ng National Housing Authority (NHA), kung saan kinukumbinsi nila ang mga residenteng kusang maggiba ng sariling bahay upang hindi maiipit sa legal na usapin ang NHA, nariyan din ang taktikang, “sunog.”  Ang sunog noong ika-7 ng Pebrero ay nagdulot ng kawalan ng bahay ng 4 000 pamilya sa Botanical Area, Brgy. Central.  At imbes na magpokus ang gobyerno sa pagtulong sa mga nasunugan at pag-abot sa kanila ng mga kagamitan upang itayong muli ang mga bahay, tila ginamit pa ng NHA ang pagkakataon para mapaalis sila at ilipat sa malalayong relokasyon.  Ang kumalat na balita sa komunidad, sanhi raw ng sunog ang paghugot ng hose mula sa tangke ng LPG at sadyang pagpapasindi sa tumagas na gas ng nag-aaway na mag-asawa.  Hindi kailanman ito nakumpirma ng awtoridad, gayunpama’y walang dudang misteryoso ang mga sirkunstansya.  Hindi malayo ang pagkakaiba sa natagpuang pusang amoy-gasolina malapit sa nasunog na mga kabahayan sa Brgy. Bagong Pag-Asa noong 2010.  At wala rin itong masyadong pinag-iba sa bulung-bulungang isang misteryosong pagsabog, ‘di-umano, ang nagdulot ng ikalawang sunog sa Brgy. Central noong ika-11 ng Abril.  May mga residente ring nagsabing may nakita raw silang isang lalaking may hawak na sulo.  Hindi imposible ang sadyang pagsunog, pagka’t ayon na rin sa karanasan ng aping maralitang lungsod, ito ang pinakamadaling paraan ng pagpapalayas.

           Kagaya noong Pebrero matapos ang unang sunog, noong gabi mismo ng ika-11 ng Abril, ay may pinadala na ang NHA na mga awtoridad upang harangin ang mga eryang nasunog nang sa gayon ay hindi pagtirikan ng bahay ng mga nasunugan.  Kukumbinsihin silang magpa-relocate sa Montalban, pumirma ng waiver, at magbayad buwan-buwan sa loob ng 30 taon para sa isang bahay na nasa fault line, walang kuryente, walang tubig, at wala ring malapit na kabuhayan.
Ang lahat ng ito ay mauugat sa ambisyosong QC-CBD, isang multi-billion joint project ng AyaIa Land Inc. (ALI) at NHA na may basbas ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Quezon at ng mismong pangulong si Benigno “PNoy” Aquino III.  Bukod sa malakihang demolisyon at displacement ng mga nakatira sa pagtatayuan nito, kasama rin sa balangkas ng QC-CBD ang pagpapagawa ng University of the Philippines Diliman Science and Technology Park—na maaaring magdulot muli ng pagtataas ng matrikula dahil sa pribatisasyon ng nasabing unibersidad—ang pagsanib ng East Avenue hospitals bilang isang ospital na ang pokus ay “medical tourism,” ang pag-alis ng ilang government agencies sa North at East Triangles, at ang pagpapatayo ng maraming condominium, call center, shopping mall, park, at iba’t-iba pang malalaking business venture na ang makikinabang lang naman ay ang mga pribado at malalaking kumpanyang kikita ng bilyon-bilyong piso.

           Matapos ang pinakaunang pagtatangka ng mga awtoridad na mag-demolish, naitatag ang Contra-CBD, isang alyansa ng lahat ng kilusang masa at iba't-ibang mga organisasyon ng mga komunidad na nasasaklaw ng QC-CBD.  Tinatayang 122,000 na maralitang lungsod at libo-libong government employees sa North at East Triangles ang unti-unting pinapatay ng proyektong ito.  Pinapanawagan ng Contra-CBD na huwag tayong matakot sa mga nananakot at nanghaharang ng panirikan ng bahay.  Karapatan nating igiit na hindi makatarungan ang pagpapalayas ng NHA at pagpapadala sa mga residente sa malalayong lugar na walang seguridad at maayos na kabuhayan.  Itayong muli ang ating mga bahay!  Huwag maniwala sa mga panlilinlang ng NHA at ilang sektor ng pamahalaang lokal ng QC.  Barikadang Bayan ang solusyon sa pambubusabos na ito ng rehimeng Aquino, gaya ng ipinakita ng Sitio San Roque.

Itigil ang pagsunog!  Tutulan at labanan ang demolisyon!
Igiit at ipaglaban ang karapatan sa kabuhayan at paninirahan!
Tutulan at labanan ang pribatisasyon at malawakang tanggalan sa mga ahensya ng gobyerno at mga pampublikong ospital!
Ibasura ang makadyuhang proyektong QC-CBD!  Labanan ang programang Public-Private Partnership (PPP) ng kontra-maralitang Rehimeng US-Aquino!

CONTRA-CBD
KADAMAY│COURAGE│ANAKBAYAN│GABRIELA│BAYAN MUNA│AKSYON Central│SEPTEMBER 23 MOVEMENT│ANAKPAWIS│ETNA│KALIKASAN




Botanical Area, Brgy. Central, 7 Pebrero 2011 (kuha mula sa Pinoy Weekly)








TimeZone, Trinoma Mall, kuha mula sahttp://racoma.com.ph/archives/my-misadventure-at-timezone-trinoma

Monday, April 11, 2011

Kung 'Di Dahil sa Araw na 'To

Kung 'di dahil sa araw na 'to,
Malamang Jejemon ako
O baliw kay Justin Bieber (*nilunok ang isusuka*). 
Baka nga isipin kong
Totoong tao pa si Pink Floyd.


Kung 'di dahil sa araw na 'to,
Para 'kong nagsasambang aso
O galit sa mga manyak na pro-RH Bill (like, eeewwwww).
Siguro nagkukumpisal araw-araw
Tapos naka-"replay" pala mga kasalanan.


Kung 'di dahil sa araw na 'to,
'Nyeta, dilaw at liberal ako
O suki ng Facebook causes (pero hanggang dun lang ha).
Marahil nagsasambit ng "make"
Bago gumamit ng pandiwa (hal.: Are you gonna "make" punta here?).


Kung 'di dahil sa araw na 'to,
Tingin ko, wala akong paki
O meron naman, kaso iba priorities ko e (*balik sa paga-"update" ng status update*).
Tingin ko ata, okey lang naman
Kung maging Ayala University ang UP (baka magka-mall pa sa campus!).


Kung 'di dahil sa araw na 'to,
Chaka ang taste ko sa musika
O maniniwalang lahat ay nadadaan sa reporma (revise CARP , reform UNA, etcetera).
Sus, baka nga iwas pa'ko
Sa usapang Marxista (OMG!!!). 


Ang araw na 'to ay isang
Malaking ambag sa'king kamulatan.
Buti na lang sa araw na 'to, 
Pinanganak ang Numero Unong Lalaki sa buhay ko.


Papa, Maligayang Kaarawan!





 



Tuesday, March 8, 2011

UP SILIP: Walong Taon ng Paglikha ng Sining Mula sa Masa, Tungo sa Masa


Sa anibersaryo ng Up Sining at Lipunan (UP SILIP), sa diwa ng walong taon ng paglikha ng sining mula sa masa at tungo sa masa, iniimbitahan ka namin sa isang buong linggo ng makabuluhang sining at ligaya:

*8 Marso - "Walk the (Mass) Line." Paglunsad ng eksibit sa CMC Skywalk.

*9 Marso - "Welcome to Gleekville High! GLEE in Theory." 4pm. PH116-18. Tagapagsalita: Ms. Jonnabelle Asis (CSSP, Sociology Department).

*10 Marso - "The Cook, the Thief, His Wife, and Her Lover" ni Peter Greenaway. Libreng Filmshowing. 4pm. UP Videotheque.

*8-11 Marso - "Rights Volume Three: Make-Up." Filmshowing at discussion sa klase mo (malay mo).

*12 Marso - "Sumipat. Mamulat." Basic Mass Integration sa Brgy. Central, isang komunidad sa North Triangle na apektado ng Quezon City Central Business District (QCCBD) Project.

*"Articulations." Official UP SILIP publication. Libreng ipamimigay sa mga bulwagan at koridor ng kampus.

*UP SILIP ballers at T-shirts for sale sa SILIP booth sa CMC Skywalk buong linggo.

Dahil ang sining ay dapat ibinabalik sa masang pinaglilingkuran, at hindi lamang nananatili sa museo o sinehan, patuloy tayong lilikha at makikibaka. Magkita-kita tayo, kasama! Kontakin si Miko, 09178659778, kung may mga tanong o kung ano man. Maaari rin kaming kamustahin sa Facebook, hanapin ang "UP SILIP," o kaya'y sundan ang link na ito: http://www.facebook.com/upsilip.

 Maraming salamat, at isang mapulang pagbati!

"Let a hundred flowers bloom." - Mao Zedong


Sunday, February 27, 2011

It Ain't Over, Baby (because this, too, was too long to be a status update, Ms. Tin Borja).

Dear Iskolar ng Bayan,


One fine red day in a waiting shed under the noon sun, I let sixty Ikot jeepneys pass me by. And not for nostalgic reasons. Photographic reasons, maybe.


While ALYANSA talked about their principled fight all the time, as in, all the time, they were also busy releasing pamphlets on "print-screened" Facebook posts that were not flattering of their party and its primary standard bearer, including those of a fake account that they claimed belonged to a STAND-UP supporter, placing candidates' stickers on UP workers' backs without their knowledge (this was in Palma Hall when I offered to take off a blue sticker from a janitor's back, and Manong replied in surprise, "Huh? Sinong naglagay nyan?"), and posting tarpaulins of their Fact Check statement on Ikot jeepneys on the day of the elections, past the campaign period (yes, the reason I spent noon in a waiting shed one fine red day was to take a photo of this as proof of late electioneering).


The reason I am posting this just now is that I have never been one for bashing the other political parties blatantly during elections if only to get the people's votes. I prefer focusing on the issues, how STAND-UP always rises to the occasion, how the alliance has always fought for a democratic, scientific, and mass-oriented education, and how it has never failed to join the other sectors in the Philippine society (and even in other countries) as they face issues concerning them directly as well. What sets the militant activists apart from these "multi-perspective" and liberal so-called "activists" is that we have NEVER made the University of the Philippines our only "playground," or placed UP students on such a pedestal that we have not thought about the mass demolitions in our neighboring communities, or the Hacienda Luisita farmers and farmworkers who would literally boil leather and make leather soup because P9.50 simply cannot buy a decent meal. While those clad in blue and yellow were busy shaking hands with the masses convincing them that they are the best choices for this and that, militant activists were joining the residents in a recently fire-stricken North Triangle community in their continuing fight against forced demolition imposed by the Ayala-initiated Quezon City Central Business District (QCCBD) project. While those clad in blue and yellow were busy selling themselves as deliverers of "SEX," more college-centric activities (because, apparently, they "love their college more" than everything else outside it), Gem Garcia was busy trying to "convince them why it is more important to serve the people." 


I feel that now is the time to say all this, for it to be clear that I have not posted this Spoonful as a "Vote STAND-UP Straight!" sort of statement. I have written this as an overall statement of disgust at how lightly these inactive, liberal, and elitist "student representatives" have taken the word, "Activism"; how insultingly they have acquired such a word as their own while some of my friends have only a peso in their pockets because they have chosen to be fulltime organizers without any source of income and have taken refuge in the struggle of the masses in communities on and off campus, while I first met Tania and Ian--who could have been my friends, too--already in their caskets, because they chose to die for Freedom and for Love of country and its oppressed many. I could not help but feel this sadness when I would speak into a microphone inviting students to walk out of their classes because it is only through militant and collective action that genuine change has been achieved even as world history has proven. Some nodded their heads, while others just sat in front of me, their Facebook accounts visible on their laptop screens, their sanctuaries during their free time. Militant activists impose their ideology on others, they would say. Darling, not really, not when you're online while we prepare for the long march to EDSA. Even so, you have never been able to escape from such an ideology. ACTIVISM is a commitment, and has never been mere "online presence" sensed in liked fan pages or "seemingly progressive" status updates. ACTIVISM is NOT welcoming all kinds of perspectives, because activism transgresses, and intends to crush the status quo because the current status quo is not and will never be enough basis for us to say that we are, indeed, free. ACTIVISM is sacrifice, even if it means putting the masses' interests before those of oneself (i.e. a nifty grade in a major class, a college diploma, a secure job, etc.). ACTIVISM is a life, and it must not, in any way, be so belittled. Mind you, it is never superior, and yet, real activism is never lacking in real "activity," that of theory in practice.         


We had put great trust in the student masses and their being critical. And that very night, hours after I let sixty Ikot jeepneys pass me by, all the sacrifices in those past weeks paid off: the student masses also put their trust in us. That gives us all the more reason to believe that the fight is not yet over, all the more reason to be better, to hold on to our principles as the genuine voice of the Iskolar ng Bayan even more tightly and strongly than ever before.


A dear friend is right: the class struggle does not end in elections, Ms. Oha Oha. Goodbye, now, and good luck on your next UP LAE take. I did not pass, either. But preaching about the importance of academic excellence over militant activism did not and certainly will not make things any better for me, or for the common student whose rights are violated and killed, and whose university is being transformed into halls of business opportunities. And to ALYANSA and KAISA, see you next elections (for never in my years as a UP student have I seen you any time else).


I hope, in time, when we are logged out of our internet accounts, every Iskolar ng Bayan realizes what "para sa bayan" truly means.


Yours always and forever,
Someone who struggles to be a true militant activist every day of her life


photo taken by Roselyn Correa

Friday, February 11, 2011

Para kay Rain Sindayen, sa mga Aktibista, at sa mga Nagpapanggap na Aktibista ni Cristina Giba Guevarra

Medyo huli ako sa balita at kamakailan ko lang nabalitaan ang sinasabi nilang black propaganda tungkol kay Rain. Nalinawan ako nang konti nang mabasa ko ang Collegian issue ngayong araw, na tungkol pala ito sa academic standing niya.


Kung tutuusin, hindi na bago ito sa mga institusyon ng estudyante. Mula sa USC hanggang sa OSR, ginagawang salalayan ng competence at kakayahang mamuno ng isang lider estudyante ang katayuan niya sa acads. Mahalaga umano lagi sa kanila ang kakayahang balansehin ang academics at pagsisilbi sa mga estudyante, at siguro sa bayan na rin (siguro dahil hindi naman ito lagi malinaw sa mga posisyon nila).


Pero nagulat ako, at sa kabilang banda ay natawa. Natawa dahil aba, si Rain ay may isyu sa acads? Paano, tandang-tanda ko ang unang pagkakakilala ko sa kanya – si Rain, ang estudyante at aktibistang hindi mabitawan ang libro sa Biology sa panahong abalang-abala ka sa isyu ng tambayan sa CSSP at kahit hanggang nasa USC na siya.


May mga ilang huntahan kami  na naaalala kong nagsasabi siya kung gaano siya ka-busy ngayon dahil may exam sa ganito at may paper sa ganoon, habang naglalarga ng consultations, all leaders meeting at iba pa sa kolehiyo. Sa kolehiyo pa nga lang iyon. Nang nasa USC  na, may ilang pagkakataon na nagkatalakayan din kami hinggil sa gawain sa USC. Natawa lang talaga ako sa minsang sinabi niya na hindi  na siya masyado nagtse-check ng facebook dahil busy. Sa pagka-adik ng marami sa FB (at hindi ligtas ang mga aktibista dito), matutuwa ka sa mga taong okey lang na hindi mag-check ng FB dahil maraming gawain.


Sa isang banda, nang malaman ko ang isyu, di ako nagulat na bagamat chairperson siya ng USC ay haharap din siya sa ganitong usapin. Kahit na ayaw niya pang bitawan ang Biology book mo dati, darating at darating sa puntong ilalapag mo ito sandali para tumangan ng mas mabibigat na dalahin. Pero sino ba ang gustong maging delingkwente sa academics? Kung ikaw ang tatanungin, sigurado akong nag-ambisyon din siya ng maraming bagay para sa sarili pagpasok mo ng UP, kagaya ng sinuman sa atin.


Pero heto tayo, sa isang panahon ng ating kasaysayan na tinatawag tayong maging kabataan ng ating panahon. Iyong tipong di ka mapapakaling nakaupo ka sa loob ng klasrum habang ginigiba ang bahay ng maralita, o kaya nama’y pinapalayas ang mga magsasaka sa lupang kanilang sinasaka. Na kahit na may klase ka o may kailangang habuling requirement, makikinig ka sandali sa programa at protesta sa AS lobby o saanmang lugar sa kampus.


Ito ang pilit nilang pinapakitid, ang kahulugan ng pagiging isang lider estudyante at ang kabuluhan ng pagbasag sa araw-araw at “normal” na routine ng pagpasok sa klase at pag-abot ng mga rekisitos para maka-gradweyt. Ito ang ibinabato nila sa panahong bagamat hindi nating inaasam na sa isang walkout lang ay mapipigil na natin ang budget cut, ay naniniwala tayong bawat pagkilos na tayo ay nagsasama-sama, itinatayo natin ang isang muog ng pagkakaisa laban sa mga kaaway ng kabataan at mamamayan.


Kapag nasa piling ng masa ang mga aktibista – magsasaka man, manggagawa o maralitang lungsod – hindi miminsang sasabihin nila sa iyo kung paano sila humahanga sa mga estudyanteng sumusuporta sa laban nila. Minsan nga dyahe, kasi kapag sinabi mong taga-UP ka, nalilipat ang atensyon nila sa kung paanong mga matalino lang (daw) ang nakakapasok sa UP, kung ano ang kurso mo, ano ang magiging trabaho mo balang araw – kaysa pag-usapan ninyo ano ang isyung kinakaharap nila.


Pero higit na paghanga ang ipinapahayag nila sa kabataan na mas pinipiling makipagkapit-bisig kasama nila sa halip na isulong ang mga personal na karera.


Hindi ko ipinagtatanggol ang pagiging delingkwente. Dahil kahit kailan naman, hindi pagiging delingkwente ang pagliban sa klase o pagsasaalang-alang ng sariling acads para sa kapakanan ng mas marami.  Hindi delingkwente ang kaunting sakripisyo, ng pagsalungat sa mistulang payapang kaayusan na ikinukubli naman ang pang-araw-araw na karahasan ng pagkakait ng karapatan, ng paghahari ng iilan at ng kawalang pag-asa na mababago pa ang kasalukuyang kalagayan.


Hindi ba nila naiisip, anong tuwa ng mga nasa kapangyarihan at nasa awtoridad sa mga nagsasabing hoy, mga estudyante mag-aral na lang kayo. Kung walang sumalungat, masisimulan ba ang paglaban? Kung lahat na lang ba ng bagay ay itinuring nating normal, makikita ba natin ang kabalintunaan?


Ang sinasabi nila’y pagbabalanse, darating at darating ang panahong pipili ka ng isa, ng higit na matimbang sa isang panahon. Ang hirap kasi sa sa kanila, nasanay sila na okey lang ang mga paninindigang gitna, dahil iyon daw ang balanse. Pwede ka bang manindigan laban sa budget cut nang sinasabi ring kailangang kumita ng unibersidad ng pera? Pwede ka bang magpahayag ng suporta sa mga magsasaka na ng Hacienda Luisita nang hindi tinutuligsa ang sistematikong pagkakait ng lupa sa mga magbubukid? Lahat na lang ba case-to-case basis, kagaya ng pagiging aktibista nila?


***
Kahit para na lang sa lahat ng martir ng kabataan at mamamayan, pwede bang huwag na nilang gamitin ang salitang aktibista kung gagamitin lang nila ito para masabing karapat-dapat silang iboto? Walang kahiya-hiya nilang nasasabi ito ngunit nagkakasya sila sa paglalabas ng statement at lip service na tutol kami sa ganito at pabor kami sa ganyan. Para na silang nagsasanay ng mga future trapo. Sabagay, hindi pa nga ba?


Gayon na lamang nila libakin ang mga aktibista. Gayon na lamang nila ipagdikdikan ang usapin ng academic standing nang pantay sa pagiging lider estudyante. Pero heto, lahat na lang biglang hayagang tutol sa budget cut, sa MRT/LRT fare hike. Lahat kritikal na kay Noynoy. O sige, maaaring totoo. Pero paano nila ito pinanindigan, at paano sila kumilos para sa mga sinasabi nilang paninindigan nila. Doon tayo magtimbangan, doon tayo magtuos. Kung sila kaya ang namuno sa mga laban para sa karapatan sa edukasyon, sa samu’t saring UP community, sa iba’t ibang sektor ng lipunan, naka-perfect attendance kaya sila? Sa tingin ko’y hindi.


***


Naalala ko si Sir Monico Atienza. Nang mag-enrol ako sa kanya sa PI 100, eksaktong summer iyon na dine-demolish ang isang komunidad sa UP. Sinikap kong pumasok, pero may mga pagliban pa rin. Sa mga panahong nakakapasok naman ako, hindi niya ako pinaligtas na hindi magpaliwanag at magtalakay sa mga paksa sa klase, at sa mga pinakamaiinit na isyu ng panahon. May isang beses pa nga na tinatawag na pala niya ako pero kailangan pa akong tapikin ng katabi ko dahil nakatulog na ako sa likod ng klasrum.


Dahil tumindi ang sitwasyon sa komunidad, at kailangang mas mahigpit na suportahan ang pagkakaisa ng mga maralita, di na ako pumasok sa susunod na hati ng klase. Nagkita kami nang tapos na ang summer. Binigyan niya ako ng incomplete, pinagawa ng papel na kulang ko, at sa harap ko’y naglagay ng gradong 1.75 sa aking classcard sabay sabing, “hindi man kita laging nakikita, alam kong ginagawa mo naman ang lahat para maglingkod sa masa.”


Huhusgahan tayong lahat ng kasaysayan. Ngunit sana, sa eleksyong ito, husgahan ng mga mag-aaral ang mga kandidato sa ganitong paraan. Dahil ngayon higit kailanman, ang magbubunsod ng pagbabago ay hindi ang ating maningning na academic record sa pamantasan, kundi ang ating militanteng paglaban. ###

Saturday, January 1, 2011

Hope Is Not Enough



Every New Year, people are all about wearing polka dots, lighting firecrackers and blowing horns, and what have you, all in the name of good fortune. Most of us even come up with New Year's resolutions if only to start the year right. An optimist stays up until midnight after counting down to 2011 and watching the fireworks light up the skies. Meanwhile, a pessimist stays up to witness 2010 end. The former hope for better things to come, while the latter are just glad the year is finally over. Both people, however, have something in common: all hope for change (even if the pessimists do not admit it, exactly).


Hope is good. Hope saves. But it does not end in hoping alone. You see, the revolutionary stays awake not only on a New Year, but all year round to not merely hope for change, but actually make it happen. We are not superheroes wanting to change the world overnight by slaying the villain and getting the girl. No, change is never rushed, for it can only be achieved through a protracted, collective struggle for national democracy.


Yes, the calendar indicates that the year has indeed changed, but society remains the same. It may be New Year, but we Filipinos are still not free. Not unless all people, young or old, rich or poor, have decent Media Noche set on their tables; not unless everybody looks forward to earning just wages enough to feed their families and themselves; not unless every 16 or 17-year old is eager to take on college in the coming semester in a school without having to pay a fortune.


As "Iskolar ng Bayan," it is our responsibility to not stop fighting for a just and humane society, in which ALL THE FILIPINO PEOPLE, and not just the foreign, the few, and the privileged, are entitled to a truly prosperous 2011 and all the years to come. An awesome, progressive New Year, everyone! And may all of us remember that it is not only about hoping for change, but collectively making that change happen. Steadily. Tirelessly.


Rakenrol, mga Tol!

Tuesday, December 21, 2010

PARA SA ESTUDYANTENG NAKIKIBAKA by Prof. Danilo Arao

(Author's note: The article below was written when the calls for Gloria Macapagal-Arroyo to step down from the presidency still remained to be at their loudest even in the last years of her term. At present, Arroyo holds a position in the House of Representatives, and is about to earn one of the biggest shares from the pork barrel allocations. Meanwhile, President Benigno "Noynoy" Aquino III continues the legacy of his blood and kin, a legacy he calls, "Ang Daang Matuwid," which aims to serve the foreign, the few, and the privileged, instead of the whole of the country's people. This year's budget cuts from basic social services, especially in the education sector, are living proof of what is rotten and what ignites what is often mistaken to be  "mere youth's idealism." This article only reminds us that as long as we struggle in a semifeudal, semicolonial society such as ours, no one is too old or too young to fight for what is rightfully every Filipino's: Freedom.)  


HINDI ito sermon mula sa nakatatanda kundi isang munting paalala. Alam mo na ang iskedyul ng mga kilos-protesta mula ngayon hanggang sa pagtatapos ng semestre ngayong Marso. Malamang na magpapatuloy pa ang mga ito hangga't ang Pangulo ay hindi pa bumababa sa puwesto. Inaasahan kang makiisa sa mga ito para ipakita sa mga nasa kapangyarihan ang malawakang pagtutol ng mamamayan sa katiwalian ng pamahalaan at pangkalahatang kabulukan ng sistema. Nasa iyo ang desisyon kung hanggang saan mo gustong dalhin ang iyong pagkilos. Sa isang lipunang "normal," tungkulin ko bilang guro na sabihan kang unahin ang pag-aaral dahil ito ang pundasyon ng iyong magandang bukas.


Pero alam mong malayo sa "normal" ang ating kalagayan, at wala akong karapatang sabihing magkakaroon ka ng magandang bukas dahil lang sa nakapagtapos ka ng pag-aaral. Bilang estudyanteng may mataas na antas ng kamulatan, alam mong ang pagtatapos ng pinili mong kurso sa kolehiyo ay hindi awtomatikong magpapaunlad sa iyong buhay. Sa katunayan, mula sa pagiging kasama sa mga kilos-protesta, baka magiging kasama ka na lang sa lumalaking bilang ng mga walang trabaho. O mas malala pa, baka magiging kasama ka na lang sa nabigyan ng trabaho kapalit ng iyong prinsipyo. Ito ang dapat mong iwasan – ang pagkawala ng pakikibaka sa iyong pagtanda.




Marami na akong kakilalang seryosong kasapi ng parlamento ng lansangan na naging seryosong empleyado ng tubo. Tuluyan na nilang kinalimutan ang kahalagahan ng pagkilos, at kasama na sila sa kumokondena sa mga nangyayaring protesta bilang "simpleng pinagdaraanan lang ng kabataan." Napapailing na lang ako sa kanilang katwiran: "Dati rin kaming aktibista, pero namulat kami sa katotohanang mahirap baguhin ang sistema. Kailangan din naming kumita para sa pamilya, kaya mas mabuti pang isipin na lang ang sariling pag-unlad kaysa mapaos sa kasisigaw sa mga problemang mas matanda pa sa atin." Sigurado akong may mga kakilala kang may ganitong aktitud na kumukumbinsi sa iyong kalimutan na ang pagmamartsa dahil ang iyong pagsigaw ay pansamantala lang ang alingawngaw. Kahit sabay-sabay kayo, lulunurin lang ng ingay ng tao't sasakyan sa lansangan ang anumang mensaheng nais ipahatid. Ang nakararami diumano ay may praktikal na pangangailangang kumita para gumanda ang buhay ng pamilya.


Malamang na may mga panahong nagdududa ka kung tama ba ang pinili mong tahakin. Habang ang mga kaklase mo'y pinoproblema lang ang kasiyahang gagawin sa pagsapit ng gabi, nakikipagpulong ka sa iba pang kasama para sa mga susunod na pagkilos. Sa halip na malasing sa alak at basta na lang tumumba sa tindi ng tama, pinipilit mong magising sa tapang ng kapeng iniinom para labanan ang antok.


Mula sa iilang nakatatandang alam ang iyong pinagdaraanan, maniwala kang may dahilan para ipagpatuloy mo ang ganitong buhay. Sana'y huwag kang magpadala sa pambubuyo ng mga walang pakialam. Sana'y huwag kang matukso sa kinang ng salapi sa oras ng iyong pagtatapos sa kolehiyo. Patuloy mong tingnan ang pag-aaral hindi lang sa loob ng klasrum kundi maging sa labas nito.


Sa panahong katulad nito, lubhang kailangan ang mga katulad mo.