*Larita Kutsarita - n. see THE AUTHOR
*Spoonfuls - n. articles/dispatches/scribbles by Larita Kutsarita
(Background photo by Aiess Alonso)

Wednesday, March 25, 2009

Para Kay B (Chamber Theatre Script) (adaptation)

The following is the the script that we collectively wrote straight from Ricky Lee's first and only (so far) novel "Para Kay B." The text is a special adaptation for Chamber Theatre. Its performance will be part of a three-act production called "TUKSO. Panoorin mo 'ko." This Thursday, March 26th, UP College of Mass Communication Media Center, 6-7 PM. See you there.


Para Kay B
Ni Ricky Lee


Mga tauhan:


Irene, Ang Unang Kwento
Irene – Karen
Jordan – Marvin
Narrator – Kez
Sandra, Ang Ikalawang Kwento
Sandra – Ivy
Lupe – Marvin
Narrator – Rhan
Erica, Ang Ikatlong Kwento
Erica – Lyanne
Jake – Marvin
Mrs. Baylon - Eky
Narrator – Steph
Ester, Ang Ikaapat na Kwento
Ester – Nikki
Sarah – Jema
AJ - Brish
Narrator – Isah
Bessie, Ang Ikalimang Kwento
Bessie – Lara
Lucas – Barry
Brigs – Rex
Narrator – Jenica










Panimula
Writer/Lucas: Me quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya. Ang iba, iibig sa di nila iniibig. O iibig nang di natututo. O iibig sa wala. O di iibig kailanman.
Irene: Ang iba’y iibig sa maling panahon, umibig noong 1980s, nakipagmartsa sa mga aktibista, pero ang taong nakatakda para sa kanya ay nabuhay noon pang 1930s, isang rebelde laban sa mga Amerikano, matagal nang namatay. Kaya she keeps falling in love sa mga lalaking mas matatanda, hinahanap sa kanila ang di mahanap na wala, hindi mapagtagpo ang kahapon at ang kasalukuyan.
Sandra: Merong pinalad na nagkakilala, nagkaibigan at nagsama. Pero sa di malamang dahilan ay iniwang ng babae ang lalaki. Mabubuhay ang lalaki sa walang hanggang paghahanap. Mari-realize niya na ang pag-ibig ay laging paghahanap. Pero di niya kailanman mahahanap ang babae dahil ang totoong hindi niya mahanap ay ang kanyang sarili.
Erica: Merong away nang away kapag magkasama pero hindi naman makaya ang magkahiwalay. Merong nagmamahal lamang kapag nananakit. Merong relihiyon ang humaharang, o katayuan sa buhay, o mga magulang. Merong sila mismo ang gumagawa ng harang.
Ester: Merong umiibig na habang nagtatagal ay nawawalan ng IQ. Merong pag umiibig ay napupundi ang 4 out of 5 senses, touch lang ang natitira. Merong ang tingin sa pag-ibig ay tali. Merong di makahakbang dahil sa pag-ibig, at meron namang nakakalipad. Merong ang tingin sa pag-ibig ay hapunang walang sawsawan. Merong pag umibig ay nakaharap sa salamin, sarili ang sinsamba. Merong ang tingin sa pag-ibig ay parusa.
Bessie: Ang iba’y iibig sa mga hayop, dahil noong unang panahon ay mga hayop sila. Ang iba’y iibig sa mga bahay, kinikilig kapag hinahaplos ang barandilya, nalilibugan sa mga kisame, pinagnanasaan ang sahig. Patuloy silang mananakit sa mga babaeng umibig sa kanila dahil hindi nila kailanman malalaman na ang puso nila ay gawa sa kahoy.
Writer/Lucas: Pero merong isa sa lima, harangan man ng kulog, ng mga ganid, ng lindol at ng teknolohiya, mahahanap niya ang kanyang mahal. Siya lang ang magiging maligaya.
Bessie: Aba, gusto mo pala maging writer! Anong gusto mong isulat?
Lucas: Mga kwento….






Irene, Ang Unang Kwento
Irene: Alam niyo bang a pig’s orgasm lasts 30 minutes? At ang lions naman, they can mate over 50 times a day!
Narrator: She’s our Ms. FYI! Name it, she knows it!
Irene: Me advantage din naman ang ganitong me photographic memory. Dahil malaki ang boobs niya, madalas dito lang nakatingin ang mga lalaki.
Narrator: Kaya ang gagawin niya, bigla niyang sasabihin sa ka-date—
Irene: Alam mo, an object that is behaving in a uniform manner is either continually moving or continually at rest. Watch an arrow as it travels along its flight path. Clearly, at any instant, the arrow is occupying a given space. If it is occupying space, it must obviously be at rest there, in that given instant!
Mapapatanga na ang lalaki at ang atensyon ay matatanggal na sa kanyang boobs.
Narrator: Meron siyang filing system kung saan maaalala lang niya ang isang bagay kung kailangan niya. Isang alaala lang ang di niya makontrol, lumalabas maski kelan, maski hindi niya gusto. Ito ang alaala ng isang rally noong 1994. At lahat ng mga nangyari noong taong iyon sa San Ildefonso.
Irene: Mahusay akong mag-memorize. Bumanggit ka ng 20 words na lahat konektado sa buhay mo. Tapos lahat ‘yon uulitin ko nang wala akong nakakalimutan.
Jordan: 20 words.
Irene: Karne. Aso. Gulok. Bukid. Pako. School. Damit. Baril. Sako. Salawal, Sabon. Sementeryo. Gumamela. Papag. Five-centavo coin. Dugo. Pasko. At ang pinakahuli, na matagal bago nasabi ni Jordan, Nanay.
Narrator: Marami nang rally ang nagdaan sa buhay ni Irene. At maski na hindi siya kasali, kapag may nakikita siya, muli magbabalik sa alaala niya, bisitang ayaw magpapigil, ang alaala ng isang rally labing-apat na taon na ang nakalilipas….Nakita niya sa ibaba, sa ilalim ng tulay si Jordan, nakatayong nanonood ng rally. Mula sa mga nagmamartsa ay may nahulog na isang cheap watch, iniabot sa kanya ang cheap watch, saka sinabi nito
Jordan: Paglaki ko pakakasalan kita.
Irene: Isang batang babae, isang binatilyo, pinangakuan ng lalaki yung bababe, paglaki mo, pakakasalan kita….
Narrator: Isang araw ay nakipagsuntukan si Jordan sa tatlong tinedyer. Kinantyawan kasing NPA daw ang mga magulang. Sa galit ay biglang binigwasan ni Jordan ang pinakapinuno ng mga tinedyer, ang anak ni Mayor Ignacio, pati na rin ang dalawang kasamahan nito na mga duwag naman pala.
Irene: Bilang ng mga donasyon ng Mayor sa simbahan: 263 thousand pesos a year. Bilang ng mga punong pinuputol ng lumber company ni Mayor taun-taon: 13 752. Bilang ng mga scholars ng Mayor: 27. Bilang ng mga kabit ng Mayor: 3. Bilang ng mga anak sa labas ng Mayor: 7. Bilang ng mga napalayas ng Mayor sa San Ildefonso: 1. Si Jordan….Lumipas ang mga taon. Isang pangako, o biro lang ba yon, ilang mga salita. Pero naghintay siya.
Narrator: Sa college ay nasangkot siya sa mga NGO, pero gusto niyang isiping hindi siya puro pakikibaka lang. Kaya pinaiksi niya ang bestida, ipinagmalaki ang malaking boobs, nakipag-date sa kung sinu-sinong lalaki, and being a woman of this age after all, she fucked around.
Get real, girl! 25 ka na! You have to do something with your life!
Irene: Bakit, ang fate lang ba ng babae ay makatagpo ng tamang lalaki?
Narrator: Hindi, pero mas masaya! Kung ganon talaga kahalaga sayo si Jordan, bat di mo hanapin?
Irene: Fate ang nagdala sa kanya sa akin, fate din ang magbabalik sa kanya sakin.
Narrator: Fate, fate! Pride kamo!
Irene: Pero the next day kumilos na ang fate.
Narrator: She met Jordan.
Irene: Excuse me!
Jordan: And you are…?
Irene: Irene Magsinoc. Di ba sa San Ildefonso ka lumaki? Inampon ka ni Fr. Zuñiga? Sorry ayaw mo na sigurong maalala. Pero me natatandaan ka ba, habang me nagmamartsa sa tulay….
Jordan: Parang me hawak siyang isang napigtal ng bahagi ng katawan ng isang matagal nang namatay.
Irene: Isang batang babae, isang binatilyo, pinangakuan ng lalaki yung bababe, paglaki mo, pakakasalan kita.
Narrator: Anong gagawin niya sa lalaking itong walang maalala? She fucked him.
(seks sa paraan ng movement)
Narrator: Para siyang isang amasona, umiindayog ang buong katawan, with an army of memories behind her, goading her, urging her on. Habang nakaupo siya sa hubad na pawisang katawan nito, hanggang sa wala na itong magawa kundi parang nagpapasaklolong umungol at humingal na lang.
Irene: Minahal ba talaga niya ang lalaking to, o umiibig lang siya sa isang alaala?
Narrator: Habang nakikita ng mga mata niya ang bawat detalye ng lahat nang madaanan, basurahang umaapaw sa gilid ng kwarto, paisa-isang tulo ng nagli-leak na aircon ng kasunod na kwarto, floormop sa may hagdan…
Irene: …ay parang sumpang humahalo dito ang mga detalye ng nakalipas, pilat sa leeg, pulang ribbon sa buhok, nagbabagsakang punungkahoy sa gubat, cheap watch sa ilalim ng tulay, at isang pangako…isang pangakong narinig ng buong San Ildefonso.


Sandra, Ang IkalawangBold Kwento
(Sa gilid ng kwarto, si Lupe sa kasalukuyan, madungis at mistulang may inaalala)
Lupe: Maganda si Sandra, malinis manamit, at kung tatanungin kung ano sa mga ugali niya ang sa palagay niyang pinakamaganda, sasabihin niyang ito ang kanyang pagiging fair.
Narrator: Sa umagang ito, katatapos lang niyang mag-mediate sa diskusyon ng janitor at waiter. Noon niya napansin na nakatingin sa kanya ang isang lalaki.
Lucas: Isa itong writer. Pinuri siya ng writer sa ginawa niya. Fair daw siya.
Sandra: Wala yun. Sa bahay kapag nanay ka, madalas nag-aaway ang mga anak mo kaya nasanay kang maging fair. Tungkol saan ang sinusulat mo?
Lucas: Limang love stories.
Narrator: Me teorya daw kase ito sa pag-ibig. Ito ang teorya ng writer:
Lucas: Me quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya.
Sandra: Isa ba siya sa mga hindi kasama sa quota?
Narrator: Disisiyete noon si Sandra, 15 years na ang nakalilipas. Isang hapon ay inutusan siya ng ina na tulungan ang kanyang Kuya Lupe na kumuha ng ilang paninda sa bodega.
Sandra: Sa bodega’y napakainit at ang pakiramdam ni Sandra’y pinagpapawisan ang buong katawan niya. (tigil) Nakasalawal lang at T-shirt ang Kuya Lupe niya.
Lupe: Tinanong niya ito kung bubuksan pa ang electric fan.
Sandra: Pero sabi niya’y huwag na.
Lupe at Sandra: Pinagtulungan nilang buhatin ang lumang baul na nakaharang sa mga paninda. Naghawakan sila ng kamay. Nagkatinginan. And they knew.
Narrator: Mula noon kapag nakatingin siya sa labas ay…
Sandra: (sexy) Parang sinusunog ng araw ang mga bahay. Paypayan nang paypayan ang mga tao sa di matapos-tapos na init.
Narrator: Minsan ay nakahigang nagpapahinga sila sa bodega. Naglatag sila ng banig. Nagsimulang tumugtog sa gitara si Lupe.
Sandra: Nagsasayaw ang mga daliri ni Lupe sa mga kwerdas at hinihigop ni Sandra ang bawat akyat at baba ng mga nota.
Lupe: Alam ni Sandra na maski magtakip siya ng tenga o kaya’y tumigil sa pagtugtog si Lupe, maririnig pa rin niya ang musika (nakatitig na parang nang-aakit)
Narrator: Nakatingin ito sa kanya.
Sandra: Parang nagmamakaawa.
Narrator: Napatingin din siya dito.
Lupe: Nagpapaawa.
(seks sa paraan ng movement)
Sandra: Dugo sa dugo.
Lupe: Laman sa laman.
(Hihilahin ng narrator si Sandra)
Narrator: Mga hayop kayo!
Lupe: Nagmamahalan po kami!
Narrator: Totoo ba? Totoo ba?
Sandra: Hindi po.
Narrator: Paano mo ito nagawa sa sarili mong kapatid?
Lupe: Sumama ka sa akin, pupunta tayo ng Maynila.
Narrator: Kademonyohan ang nasa isip mo!
Lupe: Patutunayan ko.
(Aalis ang narrator at si Lupe na parehong galit)
Sandra: Patawarin niyo po ako. Babaguhin ko ang buhay ko!
Narrator: Di na siya natahimik mula noon. Madalas ay nasa bahay lang siya, nakatulala sa cellphone, na para bang nagkaroon ito bigla ng madilim na meaning. Naghintay siya ng tawag ng salvation. Dumating nga minsan ang tawag.
Sandra: Kuya?
Narrator: Pero walang sumasagot.
Lupe (sa kabilang linya): Sandra…
Narrator: Nagkita sila sa isang mumurahing motel sa Pasay.
Sandra: Marumi. Masikip. Napakainit dahil umaandar man ay sira ang aircon.
Lupe: Ang monotonous na tunog ng aircon. Ang images sa TV na walang sound. Ang mga tsinelas sa sahig.
Sandra: Ang matigas na unan.
Lupe: Ang tuwalyang di pa nagagamit.
Sandra at Lupe: Ano na ang gagawin natin?
(seks sa paraan ng movement)
Narrator: Hindi nagpaalam si Lupe. Alam niyang hindi papayag si Sandra. Nandoon si Sandra lagi, mag-isa, naghihintay sa motel…
Sandra: …Room 23. Ang mga tsinelas sa sahig. Ang tuwalyang di magagamit. Ang monotonous na tunog ng sirang aircon at ang images sa walang tunog na TV.
Narrator: Nang magbuntis siya’y takot na takot si Sandra. Nakahinga lang siya nang maluwag nang pagkapanganak ay makita niyang normal ang itsura ng baby.
Sandra: Belinda…
Narrator: …sagot niya sa pari nang tanungin nito ang pangalang ng baby noong binyag, habang mag-isa niya itong karga-karga.
Belinda (tinig lang): Mommy?
Narrator: Pinakahuli niyang pinuntahan ang bodega. Napatingin siya kay Belinda na nakadilat ang mga matang nakatingin sa kanya. Gusto niyang sabihin dito…
Sandra: There is a love story, a long time ago, that started in this room.
Narrator: Nagsimula uling maglilikot si Belinda, paikot-ikot at may hawak-hawak na tinidor na pinangkakaskas sa sirang electric fan, sa maalikabok na silya, sa inaagiw na dingding.
Sandra: Belinda! Anak, ano ba yan, sabi na dirty yan!
Narrator: Pinipigilan ni Sandra ang anak na nagwawala pero nagsimula na ring tumulo ang sarili niyang mga luha, walang pakundangan, hinuhudyatan ang mga alaala sa bodegang iyon upang sabay-sabay na maglabasan at daluhungin siya…
Sandra: …dala-dala ang wasak na gitara, kumot sa hubad na katawan, dugo sa sahig, kamay na inipit sa pinto, at musika…
Narrator: …musikang ngayo’y galit nang naninibasib sa lahat ng sulok ng bodegang iyon, buong kalupitang humahampas sa kanya at kay Belinda, walang awang nilulunod sila maski hindi na fair….Mga hayop kayo! Magkapatid kayo! Totooo ba? Totoo ba?!....Kaya napakipit siya nang mahigpit sa anak, pinuprutektahan ito habang ang luhaang mga mata niya’y taranta nang naghahanap sa mga dingding, sa kisame, sa mga butas at siwang ng bodegang iyon…
Sandra: …ng kung anuman doon, o sinuman doon, na mahihingan ng tulong.
Narrator: Mga hayop kayo! Magkapatid kayo! Totooo ba? Totoo ba?!


Erica, Ang Ikatlong Kwento
N: Maghanap ka ng isang malaking globe. Paikutin mo ito ng paikutin. Pagtigil, bigla mong ituro ang hintuturo mo dito. Ang makikita mo ay isang maliit at hugis-papayang lugar sa mapa, sa may banding Luzon, na ‘di na halos makita.
N: Ito ang Maldiaga, isang community ng mga taong nakalimutan na kung paano umibig. Isang mundong walang romance,
E: walang I love you
N: walang Valentine’s
E: walang monthsaries
N: walang kiss
E: walang foreplay when they make love
N: They just do it.
E: Pero with tenderness. Para lang magkaanak.
N: Hindi naman sa walang emosyon ang mga tao. They care about their wives and cars, their children and their credit cards, pati na rin pets and plants. Hindi nga lang romantic love.
N: Kumakanta rin sila, pero wala nga lang love songs. Sikat ang children’s songs, parents’ songs, animal songs. O kaya wow songs,
E: Wow, ang abs ko, wow ang abs ko!
N: Briefly nauso din ang non-love songs.
E: Hindi kita minamahal. Hindi ito pag-ibig. Ayoko sa’yo. Walang pag-ibig sa puso ko. I totally un-love you. Hindi ito love song.
N: Pero later pinagbawal din.
N: Sa orphanage na kinalakhan ni Erica, lumaki siyang
E: maganda at maraming kaibigan. Pero may kulang pa rin.
N: Kaya curious siya sa isang matandang babae sa Maldiaga. Ito lang daw ang tanging tagaroong nakapunta sa kabilang mundo. Nagbalik ito ng Maldiaga pero bago namatay ay naghihingalong tumingin sa kung anuman, itinaas ang kamay at sinabing,
E: I love you.
N: Pagkarinig ng bawal na salita ay napakrus ang lahat, ang iba sa OA ay napaluhod pa sabay palo ng kamay sa dingding.
E: Saan nanggaling ang mga salitang iyon? From a distant past na ang matandang babae mismo di niya matandaan? I love you--- parang alingawngaw na nagpalipat-lipat, bouncing back and forth, sa corridor, sa dingding, sa hallway, sa plasa, sa dinner time, sa bedtime, taunting everybody, making everybody tilt up their heads na parang me narinig…
N: Maraming nangalumata dahil di makatulog at lumakas ang kita ng psychiatrist.
N: Iyon ang goal ni Erica,
E: Ang madiskubre ang misteryo ng matandang babaeng namatay na nagsabing I love you.
N: Sa sobrang desperado ay napadpad siya sa harap ng sapa sa dulo ng Maldiaga.
E: Ang mga dahon--- nag-aawitan tungkol sa chlorophyll, ang mga kambing---- pagod na sa kamimehee bilang chorus sa kanta ng dahon.
N: Saka biglang tumahimik ang lahat.
E: Nagtaka si Erica.
N: Ang naririnig na lang niya ay boses ng matandang babae. Parang nanggagaling sa ilalim ng sapa…
E: I love you, I love you…
N: Nilulon ng sapa si Erica. Bigla niyang itinaas ang kamay at bumulusok na nakaahon.
E: Ito na ba ang kabilang mundo?
N: Dali-dali siyang tumakbo papaunta sa flower shop. Sa loob, isang matandang babae ang fascinated na pinagmasdan ni Erica.
E: Nakapusod ang buhok niya--- napakataas, napakalaki, parang bombilya
B: Tagarito ka ba?
E: Hindi po. Sa Maldiaga po.
B: Maldiaga? Di ko ata alam yun. Masama ang panahon ngayon, walangg nagsiswimming.
E: Di naman po ako nagpunta para magswimming.
B: E ano?
E: Gusto ko pong matutong umibig.
B: Halika, sama ka sa akin sa bahay.
B: Jake, kala ko di ka darating!
J: Me kukunin lang akong gamit, Ma.
N: Napatingin si Jake kay Mrs Baylon. Kay Erica. Balik uli kay Mrs Baylon. Saka kay Erica.
N: Biglang tumawa nang tumawa si Jake kasabay ng kidlat, nakaturo ang kamay sa buhok ni Mrs Baylon. Di malaman ni Erica ang gagawin kaya tumawa na rin siya. Nakitawa rin si Mrs Baylon.
N: Noon nalaman ni Erica, dito sa lalaking ito niya gusting umibig.
E: Di niya alam kung papaano, pero saksi ang kulog at kidlat, matututunan din niyang mahalin ang taong ito.
N: Pero maski ilang beses niyang subukang lumingon kay Jake, pinapapungay ang mata’t binagalan nang mas mabagal pa sa slow motion ang galaw, hindi pa rin siya pinansin nito.
E: Walang lumipag na butterfly. Absent ang biyulin.
E: Pwede bang magsurvive ang love ng one-way lang?
B: Hindi.
E: Walang way way kasi nasa loob ko siya!
N: Unlike Mrs Baylon, Jake is promiscuous, tingin sa babae object of conquest lang.
B: Iha, iyan naman kasing mga taktika mo napakabaduy! May isyu kami. Kung ano ang gusto ko, automatically ayaw na niya. Alam ko na, babaguhin ko strategy ko!
N: Isang araw, pinagsabihan ni Mrs Baylon si Jake
B: na huwag ng ligawan si Erica
N: Saka parang hindi naman bagay kay Jake
B: masyadong barriotic ang dating.
N: Napatigil si Jake at napatingin kay Erica.
J: Sino ba ‘tong babaing biglang sumulpot sa buhay nila?
N: Sa townhouse, suddenly he felt all the gentleness of love overflowing from him, enveloping Erica. Alam na ni Jake ngayon kung bakit siya nabubuhay---
J: Para ibigin ang babaing ito.
B: You’re the luckiest girl in the world!
E: Ako nga ba?
J: You belong to me.
N: Tumulo ang luha ni Erica.
B: Anong di ka marunong magmahal? Meron bang ganon? You’re just intellectualizing the whole thing!
N: Dirediretsong tumakbo si Erica sa kanyang kwarto, nang mapaharap sa salamin, nakita niyang wala siyang puso.
N: Sa Music Museum, sinabi ni Jake kay Erica na gusto niyang makasama ang babaing ito. Saka siya lumuhod, at itinanong ito:
J: Will you marry me?
N: Nakatingin lang si Erica kay Jake. Nagsimula siyang magsalita para sabihing yes, I will marry you, yes… Pero may humaharang sa lalamunan niya.
E: Di niya kayang lokohin si Jake. I’m sorry.
N: Habang papalayo, iniidip ni Erica na napakasama niya pero anong magagawa niya?
N: Isang taon mula noon, sa dressing room ng TV station, may naghahanap sa kanya.
B: Kailangan ko ang tulong mo.
E: Kumusta na si Jake?
B: Nasa loob siya.
N: Nakita niya ito sa kwarto.
E: Parang estatwang nakaupo, may hawak na flashlight, di gumagalaw.
B: Look who’s here! Hindi mo ba babatiin si Erica?
N: Kinwento ni Mrs. Baylon na nang umalis si Erica isang taon ang nakaraan, hinanap siya ng hinanap ni Jake.
B: Nagtanong kung kani-kanino kung nasaan ang Maldiaga. Isang araw, natagpuan na lang nakalutang sa dagat. Ayon sa doktor, naapektuhan ang spine nito.
N: Nakakatayo, nakakalakad, pero hindi nakakapagsalita, walang nararamdaman.
E: Naaalala mo yung taping na ginulo natin? E yung building na sabi mo ipapatayo mo sa’kin? Yung Maldiaga?
N: Lumipas ang mga araw, linggo, buwan. Si Erica, walang sawa’ng pagsisilbi kay Jake.
E: Sa wakas ay natuto na siyang umibig.
N: Isang araw, may ibinubulong si Jake.
J: Maldiaga, Maldiaga…
E: Ulitin mo, ulitin mo.
N: Pero nagbalik na sa dati si Jake, hindi kumikibo.
Kumalas sa pagkakayakap si Erica. Hinaplos niya ang pisngi nito. Hinalikan. Hindi ito nagrespond. Nagsimula siyang hubaran ito. Walang reaksyon. Inakay niya ito, and there she kissed every pore of his body. Sa wakas ay biglang nabuhay si Jake. Napatingin kay Erica at pumatong sa kanya. Unti-unting umangat sa hangin, naglevitate pataas ng pataas hanggang sa umabot sa may kisame. Pero mabilis din silang bumagsak. Sumemplang sa sahig.
Napatayo sila. Napatingin sa kisame.
E & J: Ganito na lang ba? Kung sino ka man, please make it last… Please…


Ester, Ang Ikaapat na Kwento
Narrator: Kapag tumawa si Ester, hindi lubos. Bahagya lang na nakabuka ang bibig at ang tunog ay naudlot, parang isang biyaherong natigil sa gitna ng isang daan.
Sa edad na 20, matapos na matapos na ang kasal niya ay natawa si Ester. Tumatawa rin ang pinakasalan niyang si Lucio, ang mga magulang niya, si Sara ang katulong nila, ang mga bisita.
Ayaw ni Ester na ang anumang bagay ay sumobra sa dapat. Buong buhay iisa lang ang patakaran niya: Never go out of bounds. There are certain boundaries para sa bawat tao at doon lang ang lugar mo. Kapag lumagpas ka, maaari ka nang makapanakit ng iba.
Ester: Hindi ako tomboy! Wala kang karapatang sabihing hindi ako masaya! Hindi ako tomboy!
Lasenggong Uncle: Gusto mong malaman kung sinong mamahalin mo habang buhay? HIntayin mong bilog ang buwan at tulog na ang lahat, iyong walang istorbo maski mga aso o nagtitinda ng balot, magdala ka ng salamin sa bubong at sa reflection ng buwan sa salamin ay makikita mo kung sino siya.
Narrator: Tama ang lasenggo niyang uncle. Isang gabing umakyat siya sa bubong dahil may narinig na ingay doon , walang dalang salamin, 27 na at lima na ang mga anak sa nasa abroad na si Lucio, nakit niya ang taong kanyang mamahalin habang buhay.
Ester: Si Sara
(form the other line): Nabangga po ng trak, sorry po, gagawa po agad kami ng arrangement para maiuwi ang bangkay.
Ester: Ganoon lang ang ibinalita sa long distance call ng taga-Philippine embassy sa Egypt ang nangyari sa asawa. Sa tatlong pangungusap. (lalapit si Sara) Naalala mo nong kasal naming ni Lucio?
Sara: Tama na, tama na.
Narration: Hinawakan siya ni Sara sa pisngi. Parang isang basang sisiw na sumilong siya sa mga bisig nito. Hinahaplos nito ang likod niya habang umiiyak siya. Dumikit ang mukha ni Ester sa mukha ni Sara, umatras, saka hinagkan niya ito sa labi. Nagiutla ito saglit, napaurong. Basa pa rin ng luha ang mga mata niya. Hinagkan niya uli ito at nagpaubaya na ito. Nahiga sila at habang hinuhubaran niya ito’y hinahalikan niya bawat parte ng katawan nitong natatanggalan ng saplot. Malulusog na dibdib nito. Walang buhok nitong mga kilikili, pusod nitong maliit, at sa ibaba, sa gitna ng mga hita, ang simple pero hindi simpleng hiwa.
Pagkatapos ay parang batang pinatulog siya ni Sara. Nang magising siya ay wala na ito, hindi lang sa kuwarto kundi sa buhay niya.
N: Ang nakikita ni AJ ay isang mundo na kung saan lahat ng mga tao ay kagaya niyang masaya at glamorosang nagkekendengan at rumarampa,
AJ: may mga butterflies sa hangin at mga petals sa kalsada, sexy music at handsome hunks. Samantalang sa isang tabi ay malungkot na nakaupo lang walang ginawa kundi magburda..
N: Ang kanyang ina.
N: Alam ni Ester ang intension ni AJ. Para siyang nasa loob ng isang guhit na bilog, at goal ni AJ na mapalabas siya. Pero di niya makita ang dahilan kung bakit kailangan iyon.
Minsang kakauwi lang ni AJ, ingat na ingat na niyaya siya nito at naupo. Noomg huling ginawa ni AJ ang ganito ay ipinagtapat nitong bakla ito. Kaya inihanda na niya ang sarili sa sasabihin nito.
AJ: Mommy may ipagtatapat ako.
E: Me masahol pa ba sa pagiging bakla?
AJ: Since diba, patuloy ni AJ, dapat wala tayong secrets as mother and daughter? Dapat lagi tayong open sa isa’t isa? Me ipagtatapat ako.
E: straight ka?
A: Mommy naman e! Kakapanood ko lang kasi ng Terma of Endearment, at doon ang mother and daughter naging honest dahil iyong anak mamamatay na sa cancer.
E: Me cancer ka?
A: Mommy, ang ibig kong sabihin, you never know, you know!
E: Bat di mo pa kasi sabihin?
Mommy alam ko ang tungkol ke Sara..
Mommy hanapin natin siya
E: Hwag na hwag mong magagawa yan!
AJ: Mommy, humble opinion ko lang ha, pero you deserve to be happy!After all you’ve done for us! Maiintindihan ng kaluluwa ni Daddy. (pause) Nakatira daw sa Mercedes, isang fishing village, 33 years old na, me asawa’t 3 anak.
N: Nagulat si Sara nang makita sila pero di maitago ang saya nito.
S: Ang laki-laki mo na AJ!
A: Isang certified nene.
Pio: Amoy tuyong isda ang buong lugar at ang hangin ay naninigid sa init. Kita ang pagdarahop sa lugar pero disente ang pagkakaayos ng lahat. Bawat bagay ay nasa tamang lugar. At malinis
N: Nang lumabas ang asawa ni Sara ay nagulat si Ester. Matanda ito ng 20 yrs kay Sara, pangit at parang may sakit. Pio daw ang pangalan nito, at me alta presyon na madalas sumumpong. ANg hindi alam ni AJ, alam ni Pio ang lahat.
S: Kaya isinumpa niya, mabubuhay siya ng matagal
E: Umusad ang mga taon
P: Tuwing Biyernes ay nagkikita pa rin sina Ester at Sara, habang dumarami na ang mga puti sa buhok nila
E: Nasa likuran ang bubong na patanda na rin ng patanda
AJ: Kaya tatlo silang naghihintay
N: Kung sino ang unang mamamatay. Kung sino ang unang makakalaya.


Bessie, Ang Ikalimang Kwento
Narrator: Pinaglalaruan lang ni Bessie ang pag-ibig—babae, lalaki, me edad, walang edad, sa ibabaw ng tren, sa ilalim ng mesa, Amerikano, Aprikano, thong lang ang suot, naka-leather o naka-jutes, burara o hulugang pag-ibig—lahat na nasubukan niya. Sa trabaho niya bilang real estate agent, walang open house na hindi niya napatunayang siya ang totoong open house.
Bessie: Feel at home….Bigyan mo ko ng libro, o kaya play, o maski na ano, anytime maiaarte ko yan!
Lucas: Sige nga.
Bessie: (kukuha ng libro) Gusto mo? “Bakit, kayo lang ba ang may karapatang umibig? The love that dares not speak its name is the most powerful love of all! For my love transcends boundaries and reaches out to the unloved, the unsure, and the unloving.”
Lucas: (papalakpak) Isa pa!
Bessie: Sa tingin niya ay medyo nagiging attractive na si Lucas, dahil napuno na ng glow ng paghanga sa kanya ang mukha nito. Virgin ba kaya ito? Mahusay ba ito sa kama? Ang laki ba ng kamao nito ay siya ring laki ng nasa ibaba nito? Ito ba yung tipong matapos labasan ay humahalinghing? O nanguguyapos na lang na parang naupos na kandila? (lalapit si Bessie kay Lucas, iiwas si Lucas)
Aba, ni-reject ang beauty ko! Sa bagay, mas madaling maghanap ng lover kaysa fan.
Narrator: Matagal bago nahihiyang nagkwento tungkol sa sarili si Lucas. Taga San Ildefonoso daw ito.
Lucas: Kung anu-anong trabaho ang pinasukan, mula waiter at salesman hanggang typist sa Recto, at ngayon ay messenger, hindi lang para mabuhay, kundi dahil nangangalap ito ng kwento.
Bessie: Aba! Gusto mo palang maging writer! Anong gusto mong isulat?
Lucas: Mga kwento. Tagalog.
Bessie: Gusto ko love stories ha? Love stories ang isulat mo!
Narrator: Nagbitiw si Lucas bilang messenger at ito na ang naging driver, alalay, handyman, at kung anu-ano pa ni Bessie. Nilinis nito mula kisame hanggang sahig ng buong pad. Ni-repair lahat ng sirang electric fan, aircon, plantsa, venetian blinds. Binigyan ito ni Bessie ng mga damit na galing sa naiwan ng kung sinu-sinong lalaking inuwi niya sa pad. Sa harap ni Lucas…
Lucas: …Si Bessie ay naging isang emperatris at isang alipin, amasona, Mangyan, bilanggo, pilay, iba’t-ibang nanay. Pero sa lahat ng mga ito, ang paborito ni Bessie ay ang mga character na umiibig nang bawal.
Bessie: Sa kapatid, o sa babae, o sa gitna ng isang community ng mga taong nakalimutan na kung paano umibig. Isang bagay lang naman ang nagpapatakbo sa buhay ng tao e. Libog. At mas masarap yung bawal.
Narrator: Nag-expand ang mga games ng pag-aarte ni Bessie hanggang sa mga lalaking iniuuwi nito gabi-gabi. Minsan ay mahinhin siya.
Bessie: Ay, please, huwag diyan! You’re too fast naman.
Narrator: Minsan ay malandi.
Bessie: Anong masarap sa enrollment?! Pasukan na!
Lucas: You never know what she would become every night. Ang hindi lang nagbabago ay ang kanyang pangalan. Lagi, siya si B.
Narrator: Hindi niya alam kung kailan nagsimula. Basta’t natagpuan na lang niya ang kanyang sariling paminsan-minsan habang nagta-type, ang lumalabas ay ang pangalan ni Bessie. Madalas ay nakatangang pinagmamasdan niya si Bessie habang natutulog, ini-imagine na hinahagkan niya ang tattoong LOVE nito sa kamay.
Bessie: Hep, hep, nagkagusto ka sakin, ano?! Alam mo naman, Lucas, ayokong ma-in love! Ayoko ng mga commitment at mga relasyon. Gusto mo mag-sex na lang tayo?
Lucas: Gusto niyang sabihin ki Bessie na papayag lang siyang mag-sex sila kapag mahal na siya nito. Gusto niyang sabihin ditong kaya niya itong turuang umibig.
Bessie: Basta friends lang tayo ha?
Lucas: Balang araw, magsusulat ako para sayo, at magugustuhan mo, hindi lang ang sinulat ko, pati ako!
Narrator: Napatigil si Bessie. Napatayo lang habang binabasa ng ulan, hindi gumagalaw, parang me pinaglalabanang emosyon sa mukha. Nagtaka si Lucas. Kung anuman iyong masakit na biglang naalala ni Bessie, hindi alam ni Lucas. At kailanman ay hindi niya malalaman. Pero sa sandaling ito, habang nakatingin kay Bessie, alam niyang siya lang ang pwedeng makahawak dito.
Bessie: Tulungan mo ako, Lucas.
(seks)
Lucas: Kanina, habang nakatayo tayo sa ulan, bago tayo…me sinabi ka…?
Bessie: Ano yun? Wala yun! Ikaw talaga! Halika na nga!
Brigs: Teka! Damit ko yan a! Bat mo suot yan?
Bessie: Binigay ko.
Brigs: (binugbog si Lucas) Sa lahat ng ayoko, yung kinukuha yung akin! Boyfriend mo ba to?!
Bessie: Hindi a!
Narrator: Sa paglipas ng mahabang panahon ay iisipin ni Bessie kung bakit wala siyang ginawa. Dahil nga ba sa takot niya kay Brigs? Dahil ba sa nabanggit minsan ng ama nito sa kanya ang posibilidad na mag-produce sila ng pelikula at siya ang gagawing artista? Epekto ba ng drugs? O dahil masama lang talaga siyang tao?
Bessie: Bata pa man ay hindi na bago sa kanya ang sex, o ang violence….Anong gusto nyong gawin ko?...Gusto nyong sayawan ko kayo? Ginagawa ko lagi to sa Daddy ko noon! Mahilig yun e!...Ito ang katotohanan sa kanyang buhay at maski hindi siya gumalaw, sa kanyang silid noong bata pa siya, 9 years old, at namimilog sa takot ang mga matang nakatingin sa pintong anytime ay bubukas, o noong dalagita na siya, sa mga kalsada kung saan nami-mick up siya ng ka-date, nangyayari ito. Sanay na siya.
Narrator: Nasa sahig pa rin si Lucas, duguang nakahandusay sa gitna ng mga kalat, wasak ang isang mata, pero may malay na at nakatingin sa kanya.
Bessie: (lalapit pero lalayo si Lucas) Sorry…sorry…sorry.
Narrator: Wala na si Lucas. Hindi na siya naka-function na gaya ng dati dahil para bang tinanggal ng pagkawala ni Lucas lahat ng kasamaan sa kanyang katauhan, at ngayo’y hindi na niya alam kung ano siya, kung sino siya.


Wakas
Narrator (Kez): Sa mga paghahanap ni Bessie kay Lucas ay nagsimula siyang makita ang mga kababayang kagaya nito, at hindi niya alam pero doon nagsimula ang kanyang politicization—mga bedspacer na nagsisiksikan sa napakainit at madagang kwarto, mga messenger na nagpipiket dahil kulang sa minimum ang sahod, mga waitress, street sweeper, basurero, mga sumisilong sa imburnal kapag bumbagyo at mg inang naghahanap ng mga tirang pagkain sa basurahan upang ipakain sa mga anak. Hindi na ito mga tauhang kailangang gampanan. Mga totoong tao na.
Narrator (Rhan): Isang araw ay natagpuan niya ang sariling kasama ng isang volunteer group na tumutulong sa mga nasalanta ng bagyong Elsa sa San Ildefonso. Natatandaan niyang sinabi ni Lucas na dito ito lumaki. Baka sakali, maisipan kaya nitong magbalik?
Narrator (Steph): Pagkatapos ng maghapong pagtulong sa napakaraming biktima sa loob ng mga tent ay lumabas siya. Siya’y pagod na napatayo na lang sa lumang tulay. Napatingin siya sa kabilang dulo ng tulay. Nakatayo doon ang isang lalaking hindi niya kilala pero kilala natin. Si Jordan.
Narrator (Eky): Fourteen years ago ay lumayas sa lugar ding ito si Jordan. Sa isang miting sa hotel tungkol sa darating na eleksiyon ay nakita niya uli si Irene. Pero sinabi niyang di niya maalala si Irene. Nasaktan ito, pero patuloy sa pagtatangkang ipaalala sa kanya ang lahat. Nag-make love sila sa hotel. Habang nakapatong sa kanya si Irene ay parang isang malaking bugso ng energy na nagbalikan lahat ng mga kinalimutan niya. At strangely, ang naramdaman niya ay relief. Mula saan? Hindi niya alam.
Jordan: Nakikita niya na ngayon kung gaano kahungkag ang buhay niya bilang isang taong walang nakalipas. Hinanap niya si Irene sa mga hotel, ospital, presinto, na para bang ang hinahanap din niya’y ang kanyang nawawalang pagkatao.
Narrator (Jenica): Dalawang taong naghahanap.
Jordan: Si Jordan kay Irene…
Bessie: …at si Bessie kay Lucas.
Jordan at Bessie: Parehong nagsisisi.
Narrator (Jenica): At kung gusto natin, pwede nating ma-imagine na lahat sa palibot nila, sa harapan at sa mga tagiliran nila, ay wala.
Jordan at Bessie: Maliban sa kanilang dalawa.
Narrator (Kez): Here is the proposition. Me quota ang pag-ibig, gaya ng alam nating lahat. Sa bawat liman tao’y isa lang ang magiging masaya.
Narrator (Rhan): Tapos na ang mga kwento nina Sandra, Erica, at Ester. Puro sila hindi naging masaya sa huli. Pero me dalawa pang natitira, sina Irene at Bessie. At me isa pang slot.
Narrator (Steph): Sino sa kanilang dalawa ang magiging masaya? Kapalaran ba ang magdidikta, ang mga tauhan ba mismo, o ang writer? Bilang pagsunod sa mga patakaran ng ating makabagong mundo, sa kasong ito ang magpapasya ay ang mambabasa.
Narrator (Eky): Kagaya sa mga reality show ngayon, pwede nyong i-text ang inyong mga boto. Sino ang makakahanap? Si Jordan? O si Bessie? Meron kayong isang buwan. Sapat-sapat nang panahon upang ang isang love story ay mabuo, o magwakas.
Narrator (Jenica): Text JRDN o BES sa Smart 2344, o Globe 2366. Ang makakatanggap ng pinakamaraming boto ang papalaring magkaroon ng masayang ending.


Iba-iba ang mukha ng LIBOG:


Pagkakaibigan
(Kunwari).


Pagkabalisa
(Pang-iinit).


Pagsamba
(Pagkakasala).


Pangangarap
(Pagnanasa).


Pag-ibig
(sa Laman).


Kakagat ka ba?


Tatlong kwento.


Isang Sikreto:


TUKSO.
PANOORIN MO 'KO.


Mga pagtatanghal
sa tradisyon ng
Chamber Theatre.


College of Mass Communication
Media Center. March 26. 6pm.


(pubmat courtesy of my utol)

No comments: