*Larita Kutsarita - n. see THE AUTHOR
*Spoonfuls - n. articles/dispatches/scribbles by Larita Kutsarita
(Background photo by Aiess Alonso)

Saturday, October 15, 2011

Ang Tunay na Magnanakaw ay Wala sa mga Dyipni at Eskinita ng Maynila




Isang araw, nabutas ang paborito kong boho bag (na ginagamit ko simula pa noong freshman pa lang ako). 


Nakasakay ako noon sa Ikot jeep, at napag-isip-isipan kong hindi siya simpleng butas lang.


Nilaslasan ako ng bag ng aking katabi. Buti na lang at naunahan ko, naramdaman ko bago may makuha.





Sabi ko sa katabi kong lalaking may malaking knapsack, "Wala po kayong makukuha sa'kin kasi wala naman akong pera. Ang akin lang, karamihan ng dala ko ay hiram lang (i.e. kamera at tripod ni Kenny). Hindi lang po pera kailangan n'yo, alam n'yo 'yun." Tapos, bumaba na lang ako ng sasakyan.


Sa huli't huli, ang mga lumpen ay sintomas pa rin ng isang mala-kolonyal at mala-pyudal na 
lipunan.





At sa isang lipunang gaya ng atin, mayroong mas makapangyarihang mga magnanakaw na mas dapat pag-ingatan at litisin ng bayan.  Sila at ang sistemang kanilang pinatatakbo ang nagluwal ng mga karaniwang magnanakaw.


Sila ang naglaslas ng paborito kong boho bag.





No comments: