kapag natanggap mo itong sulat ko
maaari bang doon mo ito basahin
sa parang.
ilatag mo sa lupa at hayaan mong mag-usisa
ang langit sa iyong likuran.
habang binabasa mo ito
marahil ay kay layo na rin
ng aking narating
malayo sa mga lugar na pinagsamahan natin
ngunit nanatiling sa ‘yo
ang damdamin.
ang mga lukot sa papel ay mga lubak
at lungkot na hatid ng tinatawid
kong mga lambak at bundok
ang mga mantsa at dumi ay kimpal
ng putik sa aking paa at pandama
ang mga punit sa gilid ay hiwa
sa gunita, galos sa balat sa pagkakasabit sa sanga.
sa mga umbok at linyang nagsala-salabat
gagapin mong muli ang nangangapal kong palad.
samantala’y hindi ako nag-aalala
naririto ka sa bawat araw,
ipinadarama ng kalikasan.
tuwing umaga, hinahaplos ko ang iyong buhok
sa hibla ng gintong liwanag sa siwang ng mga
sanga at dahon
sa pagsibol ng bulaklak nasisilayan ko
ang masaya mong larawan
kung paano mong ibunubuka ang iyong bibig
bago mo ito marahang isilid sa ngiti
matapos mong tumawa
sa tanghali, kapag kami’y bumabaybay
nadarama ko sa lupa ang init ng kalsada
at lansangan ng lungsod,
ang tangan mong bandilang kumakaway sa hangin
at kamaong nakasuntok sa langit
ang tapang ng iyong pagsigaw
at ang naipon nating galit.
sa gabi, pagmamasdan ko ang kislap ng iyong mga mata
sa pinakamatingkad na bituin
at muli’t muli akong aawit ng mga paborito nating awitin
habang inaalala
ang ningning ng iyong ganda
at ang kinang ng iyong pisngi.
marahil ay masasanay rin ako
gayunma’y hindi pa rin magbabago;
ikaw ang lakas at kublihan sa bawat engkwentro.
at kung hindi mo mapigilan
ang pagtahak ng luha sa iyong pisngi
at pagpatak nito sa papel,
mas hihigpit ang yakap ng liham sa bukid
upang iluwal nang mas malinaw ang titik
ng pagsibol ng aking pag-ibig.

No comments:
Post a Comment