Para sa mga kasamang nadedemoralisa, o simpleng naguguluhan lang with regard sa patuloy na pagkilos:
Hindi na bago yan. Ako man, madalas makaramdam ng ganyan, panlulumo, o simpleng apathy na lang. Pag di ko na kaya, titigil na lang. Kahit ano pang mabasa, marinig o mapanood ko, kebs lang. Nasa magandang katayuan naman tayo eh, magtagumpay man o hindi ang laban ng mga mamamayan.
Pero lagi nating tatandaan, hindi tayo nabubuhay sa vacuum. Dadating at dadating ang araw na makakahabol sa atin ang realidad, na itong mga ini-ignore natin sa ngayon, etong mga bagay na tine-take natin for granted eh sasampal na lang sa mga mukha natin.
Baka dumating ang panahon na ang mga tatay natin na halos bente-kwatro oras gumaod sa trabaho para lang kumita ng P100,000/buwan na nauubos naman sa tuition, pagkain, bilihin at bayarin tapos nagde-destress sa pag-inom eh unti-unti na palang nagbe-breakdown.
Ang mga nanay natin na nahihiwalay sa mga anak, na halos ubusin na ang lakas sa harap ng computer, kausap ang mga hayup na Kanong puro mura lang ang binibigay kapalit ng P20,000/buwan.
Ang mga kuya na nagtatrabaho para sa trans-national electronics company, na kumikita ng P50,000 pambili ng i-Pod, PSP, at kung anu-ano pang gadget, na nalululong na sa dekadenteng buhay na sumisira sa pagkatao at pagkakakilanlan, para lang bilhin ang mga luho na kung saan isa rin naman siya sa mga kasama sa produksyon na nagluluwal dito.
Ang mga ate natin na nabubulok sa tahanan dahil tinakda na ng lipunan na ang babae, dapat nakakulong lang sa bahay, o di kaya'y pwede lang lumabas kung tangan-tangan lang niya ang mga aesthetics na hinahanap ng merkado.
Ang mga bunsong kapatid na binabato sa mga mamahaling eskwelahan, na hinuhubog ang isip hindi para maglingkod at magbalik ng pinag-aralan sa kanyang bayan, kundi para maging tuta rin ng mga dayuhan, kagaya ng mga kapamilya na nauna pa sa kanya.
Mga kasama, kahit gaano pa "kaayos" nating sabihin ang mga buhay natin, hanggang itong lipunang ginagalawan natin ay kontrolado ng iilan, hanggang ang kalayaan ay nabubuhay lang sa retorika at ang ginahawa ay para lang sa iilan, itong "kaayusan" na ito ay mananatiling isang kathang-isip lamang.
Maaaring pinoproblema mo ngayon ang lovelife mo. O kaya naman ang pagsuway ng prof? Ang pag-aaway niyo ng kaibigan, o ang tampuhan sa pagitan ng mga magulang, o di kaya ay mabagal lang ang internet o nalulungkot ka dahil hindi ka pa nakapanood ng Transformers.
Pero sa totoo lang, kahit gaano kabigat, at least para sa konteksto natin, ang mga problemang ito, kung ikukumpara mo naman sa nagaganap sa Pilipinas, sa kung saan ang 70% ng 95 milyon na populasyon ay nabubuhay lang sa P104/araw, hindi pa kasama ang mga magsasaka na kailangang buhayin ang pamilya nila sa halagang P9.50/linggo, ang mga maralitang walang trabaho dahil sa kawalan ng industriya, at mga manggagawa na may trabaho nga, pero ang kinikitang P404/araw ay di man lang umabot sa P985 na minimum na kailangan ng isang pamilya ng lima para mabuhay ng matiwasay sa isang araw.
Kung ikukumpara mo ang mga problema mo sa kanila, napaka-chicken lang nito. Ikaw, kung mawawalan ka ng jowa pwede ka pang humanap ng iba. Pero sila, pag di sila nakakain, buhay nila ang mawawala. Sabihin mo nga, pag nawala ang buhay mo, makakahanap ka pa ba ng kapalit? Ayokong maging maangas, pero sana, pag-isipan natin ito.
Sabi nga sa kanta, "..naguguluhan pa ako ngayon, naghihintay na sila doon. May panahong magduda at magtanong, ngayon ang panahon ng pagharap at pagsulong." :)

No comments:
Post a Comment