*Larita Kutsarita - n. see THE AUTHOR
*Spoonfuls - n. articles/dispatches/scribbles by Larita Kutsarita
(Background photo by Aiess Alonso)

Friday, September 18, 2009

No Compromises (a public statement from UP Sining at Lipunan)

First of all, I’d like to extend my thanks to Joey and other anonymous and named readers alike, for taking the effort to respond to my posts. Any kind of opinion is appreciated. I would rather write for the public than for myself, anyway.


This brings me to my next point: I intend to write more stories—may they be fiction or nonfiction—that will reflect the realities of a society such as ours. The occurrences regarding the National Artist Award have been quite depressing not only for me, but for most artists—and people in their right senses, in general—as well.


WE GRIEVE ON THE DEATH OF THE NATIONAL ARTIST AWARD.


This only goes to show that the current tyrant wishes to touch not only on 1) the mind of the society, what with her imperialist alliances with an imperialist state, spawning imperialist notions in our national consciousness (e.g. the existence of a Daniel Smith Fans' Club, the continuing reign of consumerism and capitalism in the presence of malls bedecked with IMAX, lights, sounds, and sights, and in-yer-face-you-idiot messages such as "Save the Economy, Save More Jobs, Buy Now!"); on 2) the people's soul, which supposedly brings about our collective action, but is now hindered and repressed if one takes into consideration the more than 200 enforced disappearances and a thousand extrajudicial killings since the beginning of her regime in 2001. These numbers clearly manifest the deliberate violations of the Filipinos' human rights, numbers that even surpass those during Martial Law under another tyrant. In fact, a member of the youth was recently added to the long list of desaparecidos; and now, 3) even the heart of our society is being desecrated. The arts are not only a venue in which we express ourselves through imaginative creativity and fine skills. One does not make music with only good melodies and lyrics in mind. One does not translate his/her passions through the shutters just to make people "look good" in their airbrushed glamour shots. One does not dance if only to master certain steps and movement that are aesthetically considered "gracefully beautiful." One does not make movies with the sole purpose of raking in moolah. This may be Idealism talking, but if an artist hones one's craft if only to be better--even best at it--the craft eventually claims him/her, and one does not become one's craft. It must always be kept in mind that literature--and arts for that matter--takes off from a particular ideological construct that encompasses a society (as written by Gemino Abad, a "genuine National Artist for Literature"). One does not separate his/her work from the society which he/she was born into, the society that one moves and acts in. Art is not only found hung on the walls of a silent, clean museum. Neither is it found in the Oscars, and nor is it limited to three judges who give away the Palanca. It is found in the people, by the people, for the people. To allow a single person of considerable power and authority to decide which artists are artists exactly (stress on their being plural) is to give her further license to cripple us in our ideologies and true people power. This is when it is best to quote from V in David Lloyd's magnificent "V for Vendetta": People should not be afraid of their governments. Governments should be afraid of their people. Art can still save the world, if only we are armed with the right thoughts and actions. Never again to Martial Law!


In connection with these writings, the students of the University of the Philippines are facing yet another blockage to academic freedom. The draft of the 2009 Code of Student Conduct which was drafted without any student representation is a mini-HSA (Human Security Act). We from UP Sining at Lipunan (SILIP) call out to JUNK the [anti] student code:



Mariin ang pagtutol ng UP Sining at Lipunan ( UP SILIP) sa kasalukuyang draft ng UP Student Code. Ang ilang probisyon, gaya ng pagbabawal sa mga organisasyong mag-imbita at tumanggap ng mga estudyanteng kulang sa isang taon ang inilagi sa unibersidad, kasama na rito ang nasa kanilang unang taon sa unibersidad, ay hindi umaayon sa panawagan ng mga estudyante ng pamantasan.

Una, ang UP SILIP at ang mga miyembro nito, ay walang nakikitang dahilan upang ipagbawal sa isang freshie ang pagsali sa isang organisasyon. Naniniwala ang UP SILIP na isa pa nga itong mainam na paraan upang lalong mapalawig ang kamulatan ng estudyante bilang isang mag-aaral ng UP, kung saan hindi lamang pinapahalagahan ang pagkatuto ng isang mag-aaral sa loob ng silid-aralan, kundi maging sa lipunang ginagalawan nito. Sa UP SILIP, namumulat ang sasaling mag-aaral sa pagkakaugnay ng sining at kultura, lalo na sa aspektong pampelikula, at kung paano nila ito magagamit sa pagsisilbi sa ating lipunan. Natututunan ng isang mag-aaral ang mga paraan at mga konseptong pampelikula na hindi kaagad-agad makukuha sa kanilang mga asignatura at kurso sa kanilang mga klase.


Ang pagsali ng isang estudyante sa isang organisasyon sa loob ng unibersidad ay isang karapatang dapat ipinagkakaloob ng unibersidad sa kanya, bukod pa sa karapatan niyang mamili kung anong organisasyon ang kanyang sasalihan. Malinaw na ang probisyong ito na magpapataw ng parusa sa isang organisasyon at estudyante sa pag-recruit/pagsali ay represibo at kikitil sa karapatan ng mga estudyanteng matuto at maging aktibo sa pakikialam sa mga kaganapan sa loob at maging sa labas ng unibersidad.
Sa probisyon naman na nagtatakda ng 0.5% ng student population na siyang dapat na maging bilang ng isang organisasyon upang ma-recognize ito ng unibersidad ay mariin ding tinututulan ng UP SILIP. Naniniwala ang UP SILIP na hindi sa dami ng bilang ng tao sa isang organisasyon ang batayan sa pagiging epektibo nito sa pagpapatampok ng kanilang mga layunin at adhikain. Nakapaglulunsad ang UP SILIP ng mga gawain gaya ng educational discussions, fora at iba pa hindi sa pagsandig sa dami ng taong gumagampan dito, kundi sa sipag at pagpupursige ng mga miyembrong maiparating ang kamulatan sa relasyon ng sining at ng lipunan sa mga mag-aaral ng unibersidad. Gayundin, ang husay ng isang organisasyon ay hindi naitatakda ng bilang ng miyembro kundi ng kung paano ba nila tinatanganan at isinasapraktika ang kanilang mga prinsipyo na siyang nagtatali sa kanila bilang grupo. Tunay na ang probisyong nabanggit ay nakakasagka sa mga karapatang dapat sana ay pinapangalagaan ng unibersidad para sa mga mag-aaral nito, bilang isang kinikilalang institusyong nagsisiguro ng kalayaan at karapatan.
Hinihiling ng UP SILIP ang pagbasura ng kasalukuyang draft ng UP Student Code. Ang isang tunay na Student Code ay iyong nagmula sa mga estudyante, tungo sa mga estudyante at para sa mga estudyante. Ang kasalukuyang draft ng student code ay hindi ibinunga ng prosesong katuwang ang mga estudyante. Makikita rin sa mga probisyon na ito ay hindi sang-ayon sa mga kahilingan at pangangailangan ng mga organisasyon na sa simula pa lamang ay hinahapag na sa administrasyon sa pamamagitan ng 18 Demands. Malinaw na may alternatibo at mas maka-estudyanteng mga polisiya ang hinahapag ng mga organisasyon subalit tila walang puwang ang administrasyon ng UP para sa mga ito.
Bilang mga estudyante ng sining at pelikula, malaki ang pagpapahalaga ng UP SILIP sa kalayaan sa pagpapahayag at karapatang lumikha ng batay sa mga paninindigan. Ang kasalukyang draft ng Student Code ay kabaligtaran nito. Ilan nga mga anti-estudyanteng polisiya ang naipasa nitong mga nakaraang taon tulad ng pagtaas sa matrikula, lab fees na mariing tinutulan ng kalakhan ng mga estudyante ng pamantasan. Nananawagan ang UP SILIP, sampu ng mga miyembro nito ang pagbasura, o sa terminong pampelikula, ang ‘cut!’ sa pagpapatupad ng Student Code Draft. Hinihiling ng UP SILIP na magkaroon ng sapat at malinaw na representasyon ang mga estudyante sa pag-draft ng mga alituntunin na gagabay mismo sa kanila at sa kanilang ikauunlad bilang mga pinagpipitaganang mga Iskolar ng Bayan.



The call is NOT to revise the 2009 Code of Student Conduct. JUNK the draft! When it comes to rights, there should be no compromises.

3 comments:

rob jara said...

uy, nice post. hehe. irebisa natin ang posisyon natin sa pagbasura ng student code of conduct draft, para lamang maitama ang ilang datos. nakakatuwang malaya at matapang kang nagpapayag ng iyong saloobin at pinagtatagumpayan ang mga ipinaglalaban ng kalakhan ng mga Iskolar ng Bayan. ipagpatuloy natin ang laban, hindi lamang sa akademya kundi pati sa lansangan. :D

nga pala, kung hindi ako nagkakamali, alan moore at hindi david webb ang orihinal na V for Vendetta. :D pero baka sa pelikula ka nagbabase, so, ayun. :D salamat lara! update natin post mo nito as soon as marepaso natin ang position paper natin. MABUHAY ANG UP SINING AT LIPUNAN!

Anonymous said...

Salamat Lara.

I respect what you stand for, I even admire you more because of them. Someday you will be very successful writer, you are already successful now, and I'll be there to follow your work.


your humble follower,

Larita Kutsarita said...

wow, thank you, dear follower (joey? i dunno, whoever you are, i guess)...isang bagay lang naman talaga ang dahilan kung bakit nagsusulat ang mga nagsusulat: may nagbabasa. =)

tuloy ang laban para sa totoo at lumalabang panitikan.