*Larita Kutsarita - n. see THE AUTHOR
*Spoonfuls - n. articles/dispatches/scribbles by Larita Kutsarita
(Background photo by Aiess Alonso)

Saturday, October 30, 2010

Maria Clara Sucks

Women hold up half the sky.” – Mao Zedong



Kapag itinulak mo pala ang isang tao palayo nang maraming beses—kahit ang motibo mo ay mas lumapit pa siya nang lubos—siya rin ay mapapagod, kusang lalayo, at lilisan. Ito ang natutunan ko kamakailan hindi lang hango sa sarili kong karanasan, kundi sa mga karanasan ng ilang mga babaeng kilala kong nagnais ding magmahal at mahalin. Sabi nga ng linya sa Ingles mula sa isang pelikula, "Nabubuhay tayo para mailigtas, hindi mula sa mundo ng pighati, kundi mula sa ating mga sarili." Tayo lang naman daw ang nagpapahirap, nagbibigay ng sakit sa sarili nating mga damdamin. Tayo lang ang nagdudulot ng pagkawasak sa ating pagkatao.

Alam kong dati pa ay nakapagsulat na rin ako tungkol sa mga himutok at hinagpis ng isang taong umiibig (sino ba namang nagsusulat ang hindipa 'to nagagawa?) na masasabi ko ring hango sa inspirasyong dulot ng mga personal na karanasan ng "mga babae ko sa buhay." Karamihan sa kanila ay may siglang nakahahawa; ang iba'y may poot at galit sa mundong hindi mo mawari kung anong pinaghuhugutan; ang iba nama'y may matinding libog (as in passion) sa buhay na pagka-tuwing kasamo mo sila, pakiramdam mo'y kaya mong gawin ang lahat, gaya ng pagsayaw sa kalsada nang alas-tres ng umaga, pag-jogging sa gitna ng bagyo hanggang sa gilid ng Bundok Makiling, paghalik ng kapwa mo babae dahil marunong kang magmahal nang lampas pa sa aspektong pangkasarian, o kaya'y paglakad mula UP hanggang Philcoa para lang umakyat sa footbridge at manood ng fireworks na sumindi sa langit ng Quezon Hall. Ang mga babaeng ito'y mga relihiyosa, mga ateista, mga ina, umiiwas maging ina (at daig pa ang Wikipedia sa kaalaman tungkol sa mga pinaka-epektibong paraan ng birth controlcomplete with efficiency percentage of each instrument), mga kikay, mga lesbyana, mga manunulat, mga mananayaw, mga titser, at mga rebolusyonarya. Ngunit sa kabila ng pagkakaiba-iba, isa lamang ang nagbibigkis sa kanila: lahat sila'y kung umibig, ay ibinigay/ibinibigay ang lahat. Lahat sila'y mga babaeng piniling "magsuot ng helmet, kung kaya't hindi mauntog sa katotohanan," ayon na rin sa isa. Lahat sila'y naging tanga, o nagawang paikut-ikutin sa plato ang isang tao para lamang "sa ngalan ng pag-ibig" (isang karaniwang pariralang maririnig sa mga karaniwang Pilipinong telenobela), o umasa sa wala, o magtulak ng isang tao palayo dahil sa akalang babalik pa siya, hanggang sa mapansin ang helmet na suot. Kahit ano pang isulat ng isang manunulat na babae na tila ba'y siya'y may taglay na lakas na hindi kailanman matitinag, kahit ilan pang lalaki ang i-display niya para lang masabing hindi siya kailanman nag-iisa, kahit ano pang paglulugmok sa trabaho ang gawin ng isang ina para kalimutan ang kanyang asawang natutulog na sa ibang higaan, hindi maikakailang lahat ng mga babaeng ito ay lumuha hanggang makatulog, lumuha hanggang makalimot (kahit sandali lang, ‘pagkat ang babae ay hinding-hindinakalilimot). At oo, isa ako sa kanila.

Bakit nga ba dinidibdib natin masyado ang pagmamahal? Bakit pagka-lalaki ka (at hindi ko nilalahat ha, ito lang 'yung madalas na mangyari sa mga kaibigan kong lalaki), ayos lang na mag-aya ng barkada't uminom, o kaya maglaro ng DOTA, o kaya magpunta sa mga girly bar, tapos kinabukasan, parang, "Syet, pare, umokey-okey nako." Pero sa babae, ang madalas na alam kong reaksiyon ay ang pagsulong sa agos ng buhay, ngunit hindi maaalis ang habambuhay na alaala kung ilang gabi siya umiyak, kung ilang sapatos ang nabili niya dahil safashion daw siya kumukuha ng konsolasyon, kung ilang kasal na ang napuntahan niyang hindi siya ang bride, kung ilang nagngagalit na Facebook status updates o blog ang nai-type niya, kung ilang lalaki ang sumunod para pukawin ang nawalang buhay sa mga mata at puke niya. Mababaw ba? Nakakatawa? Siguro lalaki ka't hindi magawang intindihin ang kababaihan, o kaya'y babae kang hindi pa nagmahal at nasaktan nang lubos, o kaya'y nasaktan man, ay nagsisinungaling sa sarili o nasaktan hanggang sa wala nang pakiramdam.

Sabi ng isa kong mabuti at progresibong kaibigan sa teks, "Kung gusto mo ng abanteng perspektiba [ukol sa pag-ibig], tungkol sa rebolusyon ang basahin mo, 'di tungkol sa relasyon. Para makita mo ang bigger picture and realize how petty worrying about one's love life is when there are other things one can devote her time thinking about," tapos,smiley. Isa siyang kaibigang lalaki. Ang naisip ko lang ay, How is that possible? Ang limutin ang lahat ng himutok at hinagpis na dala ng pag-ibig, lalo na para sa babaeng tulad ko, tulad namin? Matapos kong marinig/mabalitaan ang mga pinagdaraanan ng lahat ng mga babae sa buhay ko, at matapos kong suriin ang sarili kong disposisyon sa pagmamahal, naisip ko, E 'di ba ganun naman talaga 'pag umiibig, sa kahit na sinong babae o lalaki, 'pag nasaktan ka na, naa-isolate ka, feeling mo ikaw lang ang umiibig at nasaktan sa buong mundo, o kung hindi ka naman “loner-type,” kulang na lang ay hanapin mo rin ang lahat ng problemado sa pag-ibig at magtayo ng isang unyon laban sa mga nang-aapi sa relasyon (o kawalan nito, para sa mga "It's complicated" people diyan)?  Pero kung iisipin mo talaga nang mabuti, hindi kailangang mag-conduct ng survey para malamang ang babae ang mas dehado sa bawat paglagpak ng bawat relasyon (or again, lack thereof). Bakit? Kapag iniwan ang babae, kapag siya ang naghabol, siya ang lumuhod, ang tatak sa kanya, “desperada.” Kapag ang babae ang mahilig makipagtalik sa kung sinu-sinong lalaki, ang automaticna mga salitang ibabansag sa kanya ay, “slut,” “whore,” “pokpok,” “naglalako ng pekpek,” at marami pang ibang makukulay na kataga. Subukan mong maglasing at ikaw ay isang “tanggera” o “babaeng pariwara.” Mangarap ka mang ibigin ng isang campus heartthrob at ikaw ay “ilusyonada.” Ipagtanggol mo ang relasyon mo sa “other woman” at isa kang “possessive bitch.” Ngayon, kung ikaw naman ang “other woman,” ikaw ay isang “homewrecker” o “ahas” (samantalang ang lalaking “inagaw” mo raw ay isang “tunay na lalaking may angking kagwapuhang pinag-aagawan,” na tila ba wala siyang kapangyarihang magpasya, parang pinilit pa siyang mag-two time). Tapos “losyang” ka naman ‘pag sinasabi ng ibang taong gamit na gamit na ang katawan mo. Ngayon ko lang napagtantong kahit ang pinakamatatag na babae sa balat ng lupa ay mayroong lalaking pinagsilbihan, dinalhan ng tsinelas, pinagtimpla ng kape, at pinagbuksan ng mga binti. At ang lahat ng ito ay nagmamaskara bilang “Pag-ibig.” Takte naman ang araw na pinanganak kaming mga babae. Tapos magtataka pa tayo kung bakit bongga lang ang “pagdibdib” natin sa pag-ibig? Hindi ba’t mas dapat isaisip ng sangkatauhan—lalo na ng mga kababaihan—kung ano ang  pinaka-dahilan kung bakitthe worst woman to give advice to is a woman in love? At sino ba namang babae ang kusang magsusuot ng helmetkung ang pinakakain sa kanya ng kanyang kultura’t lipunan ay “Thalia,” “Pangako Sa’yo,” Kim Chiu, at Judy Ann Santos? Kung nariyan ang conventional thought na ang mga babaeng protagonista sa mga palabas sa TV ay karaniwang pasibo, minsan lang lumaban, at kailangan ng isang Piolo Pascual? Samantala, si Anna Wintour ay isang demonyitang nagsusuot ng Prada at kapag si Krista Ranillo “inagaw” si Manny Pacquiao, si Krista at Jinky ang guguluhin ng buong Pilipinas. Hindi ba’t mas tamang inilibing na lang nang buhay si Manny? Sa ngayon nga, kongresman pa siya e. Sori, alam kong ad hominem ang argument na ‘to, pero tingin ko, mas mabuting hayaan na lang natin si Pacman sa boxing ring at ‘wag na rin nating idamay sa napakalaking karnabal na ito ang nanay niyang ginagawa lang nating katawa-tawa. Sabi ng mga kapwa ko babae, hindi raw ako nag-iisa. Sa totoo lang, hindi naman gumagaan ang loob ko sa mga salitang ito. Mas masaklap pa ngang ang dami-dami naming ipinanganak nang api, at kailangang magbigay ng ekstra sa mundo para lang mabigyan ng katwiran ang kanyang katauhan, ang kanyang mga pag-ibig at pagdurusa.

Mali. Mali ang mga romantikong kantang Filipino. Hindi dapat tayo nagmamahal “kahit sino pa siya,” hindi dapat “siya ang lahat sa atin,” at mas lalong hindi dapat natin pursigihin ang pag-ibig “hanggang sa dulo ng walang hanggan.” Sa ibang dako naman, kung talagang nagmamahal kang babae, lagpasan mo ang mga bansag sa’yo, igpawan mo ang ari mo. Kung lalaban ka, tama nang paghihintay kay Prince Charming, at ikaw naman ang sumakay sa kabayo’t magsuot ng baluti. Tapos na ang mga araw ni Maria Clara. Hindi ako sang-ayon sa sinabi sa pelikulang nabanggit ko sa umpisang “nag-aantay lang tayo ng tagapagligtas mula sa ating mga sarili.” Hindi mo kasalanan kung babae ka, hindi tayo ang nagpapasakit sa ating sarili dahil tayo pa rin ay produkto ng ating kasarian, ng ating uri, ng ating disposisyon sa buhay. Ngunit hindi totoong hindi ka sapat, at higit sa lahat, ikaw, tayo ang tutubos sa ating mga sarili, mula sa ating kasarian, mula sa mundo ng pighati, kahit mula sa mga himutok at hinagpis ng tinatawag nating “pagmamahal.”  “Love is a battlefield,” ani Madonna. Pagkatapos ng lahat, hindi lang naman tayo mga taong umiibig na marunong din masaktan e, kundi mga babae. Kung nasaktan ka, iiyak mo, magpunta ka sa mga kaibigan mo’t sa kanila ibuhos ang lahat ng sakit sa loob, lagpasan mo ang koleksyon ni Imelda ng mga sapatos, ubusin ang isang galon ng sorbetes, at huwag maniwalang si Gisele Bundchen ay perpekto. At sa susunod na masaktan ka ulit, bumangon ka at mabuhay. Umiyak ka pero hindi gabi-gabi, tulungan mo naman ang mga totoo mong kaibigan, makuntento ka sa mga materyal na bagay sa buhay/aparador mo, kumain nang tama, at maging malusog at masigla. Kakailanganin natin ang atingbuong lakas para sa pagligtas ng karaniwang babaeng Pilipino at lahat ng kababaihan at sangkatauhan sa buong mundo. Hindi lamang sa pag-ibig, kundi sa lahat ng aspekto: sa trabaho, sa pulitika, sa pang-araw-araw na gawain. Sa gitna ng kapitalismo’t patriyarkiya, ang paglaya ng babae ang maghuhudyat ng tunay na paglaya ng isang mala-kolonyal at mala-pyudal na lipunan. Oo, babae ka nga, pero doon lamang nagsisimula ang iyong katauhan at hindi roon magtatapos.

Honey, if you have to be a bitch, then by all means, be the best brainy bitch in town.