This is the very reason I tend to avoid Facebook: I stay online far longer than I expect to. Tonight (and/or today) has not been any different, except for the fact that my online stroll did not go to waste. I came across a very interesting dialectic conflict regarding the UP student and faculty movement last March 24th.
Now, we must start by providing everyone the necessary historical background for these particular series of events. I should warn, though, that this article will be quoting lots of other articles to present as big a view as possible. My apologies for reposting everything without summarizing. I believe that they are best left untouched for one to appreciate their overall sense and rhetorical value. First of all, the issues we deal with not only include those within the UP campus. Our fellow state university, the Polytechnic University of the Philipines (PUP) is going through a struggle as well:
Students at PUP Protest 2,000% Tuition Fee Hike
Posted on Friday, March 19, 2010 by Jack Stephens
Just as protests are heating up in California where there were massive protests all over the state on March 4th and a caravan of students, teachers, and unions heading up to the state capital on March 22nd, protests in the Philippines are literally heating up.
The administration of the Polytechnic University of the Philippines is proposing a tuition fee increase from P12 per unit to P200 per unit, almost 2,000 percent!Kabataan Partylist, a political party tied to BAYAN that actually has its own representative in congress representing the needs and issues of youth and students in the Philippines. Obviously, the students aren’t having it and the national democratic youth movement is seeking ways to stop this from happening. One of the main youth organizations that is helping to take charge at this time is
Bulatlat reports:
The students, nearly a thousand of them, threw armchairs, tables and papers down to the ground floor and set these on fire. Many of them hanged streamers from the state university’s main building denouncing the proposal.Over at the Kabataan website they report:
In a statement, PUP student regent Donna Pascual said the proposal means an increase from P12 to P200 per unit of tuition. “(The tuition increase) is expected to affect all incoming freshmen in the university,” she said, estimating the affected students at about 50,000.
PUP is a state university where most of its students come from the poor. “PUP is supposed to be the most accessible university with its P12 tuition fee. What would happen now to our poor students and high school graduates? They have nowhere to go to,” said Chaser Soriano, student council president.
…
“Arroyo’s administration cannot wait to waive its responsibilities especially in tertiary education,” Crisostomo [a member of Kabataan Partylist] said. Despite being mandated by the Constitution to have the highest share in the national budget, the allocation for education had decreased in the nearly 10 years that Arroyo was president.
According to the National Union of Students of the Philippines and Kabataan Partylist, 61 other schools in Luzon and Visayas will increase tuition by up to 20 percent by next semester.
Chaser Soriano, Central Student Council President-elect said that they have long feared the imposition of a tuition fee hike since the establishment of the PUP College of Technology last year wherein incoming freshmen were charged P200 per unit.
Pascual said that the proposed tuition increase is a result of the yearly budget cut in state colleges and universities. In the approved 2010 national budget, PUP budget was reduced by P43 million to only P661 million for the entire PUP System.
“What the administration did was to test the waters by forming a new college. We sense a ‘pattern’ as they now plan to impose the new fee in the Colleges of Accountancy and Office Administration and Business Teacher Education.”
Soriano said that, if approved, the proposed fee hike will affect an estimated 50,000 incoming freshmen next semester.
“PUP is supposed to be the most accessible university with its P12 per unit tuition. What happens now to our poor students and high school graduates, wala na silang pupuntahan.”
Now, in order to avoid giving a one-sided perspective regarding these issues, I refer to a March 24 article from the UP system-wide website itself (http://www.up.edu.ph/features.php?i=195):
BUKAS NA LIHAM SA MGA ISKOLAR NG BAYAN
HINGGIL SA PANGGIGIPIT AT PANUNUPIL NG BOR AT ADMINISTRASYONG PRESIDENT ROMAN LABAN SA OFFICE OF THE STUDENT REGENT
Opisina ng Rehente ng mga Mag-aaral
Unibersidad ng Pilipinas
March 8, 2010
Nagbabalik ang masalimuot na alaala at karanasan ng batas militar sa mga kasalukuyang pangyayari sa ating pinakamamahal na pamantasan.
Mula nang maitatag ang Office of the Student Regent (OSR) noong 1970, wala pang yugto sa kasaysayan ng ating Pamantasan kung saan nawalan ng kinatawan ang mga mag-aaral sa UP Board of Regents (BOR). Tanging sa loob ng isang dekada sa ilalim ng Batas Militar nilusaw ng diktadurya ang lahat ng mga institusyon at konseho ng mga mag-aaral, mga publikasyon at mga organisasyon sa loob ng pamantasan. Ngayong taon, matapos ang ilang dekada, Pebrero 25 nang ang BOR mismo ang tuluyang pumigil sa pag-upo sa kanilang pulong ang natatanging kinatawan ng mahigit 48,000 na mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas.
Isang malaking kawalan at disbentahe sa libu-libong mag-aaral ng UP ang pagtatanggal ni President Emerlinda Roman at ng BOR sa ating Student Regent (SR). Tangan ang militanteng tradisyon ng institusyon, ang OSR ay inaasahang kumatawan at magsulong ng mga interes at paninindigan ng mga mag-aaral hinggil sa mga usapin ng pamantasan, hanggang sa mga usapin sa pambansang saklaw.
Sa kabila ng mahalagang papel ng OSR sa demokratikong pamamahala sa ating pamantasan, tayo ay tinanggalan ng representasyon sa BOR.Malinaw sa atin ang dahilan: Alam natin na hindi ito simpleng usapin ng pagsunod sa mga panuntunan ng pamantasan, sa halip,
ito ay hakbangin upang magsulong ng makasarili at makauring interes ng iilan sa loob ng BOR.Ngayon, hinubad na ng BOR ang kanyang maskara at inilantad ang sarili—hindi ito kailanman nagsilbi sa interes ng mga mag-aaral at iba’t ibang sektor ng pamantasan, pagka’t ito’y nilikha upang bigyang-wangis o bigyang-ilusyon lamang na may demokratikong pamamahala sa ating pamantasan.
Pebrero 17, 2010 noong makatanggap ang SR ng liham mula sa Secretary of the University and of the Board of Regents na si Dr. Lourdes E. Abadingo. Nakasaad rito na sa pulong umano ng BOR noong Enero 29, 2010, “the Board of Regents agreed that you should no longer be allowed to participate in its deliberations as Student Regent for your failure to comply with the qualifications to continue serving as Student Regent…The Chair, however, has instructed the undersigned to invite you as Observer in the meeting of the Board scheduled on 25 February 2010”.
Walang pagtatangging tinatanggap ng SR ang naging kahinaan nito na makapagpasa ng application for residency sa takdang panahon sa UP Los Baños, ngunit ito’y hindi mulat na paglabag sa mga panuntunan ng pamantasan.
Sa panahong iyon, mapagpasyang inuna ng SR ang paggampan sa kanyang mga tungkulin at gawain sa buwan ng Nobyembre at maagang bahagi ng Disyembre. Bumisita ang SR sa iba’t ibang mga yunit ng UP upang maglunsad ng konsultasyon, umupo sa mga dayalogo hinggil sa pagtataas ng mga bayarin sa mga laboratoryo, magsaliksik sa mga usaping nakasampa sa BOR, at magbigay ng mga pag-aaral sa mga kapwa Iskolar ng Bayan. Lalo na’t iyon ang kritikal na panahon ng deliberasyon ng badyet para sa mga State Colleges and Universities (SUCs), kabilang na ang UP na kumakaharap sa P2 bilyong kaltas sa badyet. Naging bahagi rin ang SR ng mga pamprobinsiya at pambansang aktibidad ng mga kabataan. Hindi rin ito nawala sa mga pambansang araw ng pagkilos ng mga kabataan at mamamayan para sa kanilang karapatan sa edukasyon at batayang serbisyong panlipunan.
Bukod rito, hindi na kailanman naging maluwag at ganap na malaya para sa SR ang pagluwas papuntang UPLB nang walang pangamba sa seguridad matapos makaranas ng red-tagging, sampu ng mga naging kasamahan nito sa Konseho ng Mag-aaral ng UPLB, UPLB Perspective at Samahan ng Kabataan para sa Bayan (SAKBAYAN), mga lehitimong estudyante, at miyembro ng kaguruan sa UPLB. ng Kasabay ng naging hayagang presensya ng mga militar sa UPLB campus, palagian at masaklaw rin ang pagpapakalat ng mga black propaganda sa UPLB campus, pinararatangan ang SR at mga kasamahan nito bilang mga terorista at kasapi ng CPP-NPA-NDFP—suliranin na matagal nang naiulat sa administrasyon ng UPLB ngunit hanggang sa kasalukuyan ay wala pang wastong tugon mula sa Chancellor nito na si Dr. Luis Rey Velasco.
Mariin nating pinabubulaanan ang ipinapalaganap ng administrasyon ni President Roman na ang mayor na dahilan sa pagtatanggal sa SR ay ang usapin ng bona fide status nito.Kung ito nga ang mayor na dahilan, madali itong maresolba sa pamamagitan ng pag-rekomenda at pag-aapruba ng kanyang application for residency sa UPLB.
IBAYONG PANGGIGIPIT AT PANLILINLANG ANG DINANAS NG SR
Sa kasalukuyan, naisasandal ang administrasyon ni UPLB Chancellor Luis Rey Velasco sa hindi nito pantay na pagturing sa SR at sa iba pang estudyante ng UPLB. Malinaw na kaiba ang pinagdadaanang proseso ng SR sa karaniwang proseso ng late application for residency. Bago pa ang pagpupulong ng BOR noong Disyembre 18, 2009, gumawa na ang SR ng liham para sa application for residency sa payo ng College Secretary ng College of Arts and Sciences (CAS) sa UPLB. Matapos makuha ang endorsement ng Adviser, Department Chair at College Secretary, ipinadala ang mga dokumento sa Office of the Chancellor.
Buwan ang lumipas at hindi pa rin ito inaaprubahan sa kabila nang napag-alaman natin na noong Pebrero 3 at Pebrero 16, 2010, dalawang estudyante mula sa UPLB ang kagyat na nakakuha ng late residency sa mismong araw na iyon. Tanging endorsement lamang ng kanilang College Secretary ang kinailangan upang payagan ang mga ito na mag-enroll. ‘Di tulad ng dalawang nasabing estudyante, kahit na residency form lamang ay hindi ibinibigay sa SR, bagama’t may endorsement na ng College Secretary ang application for residency ng SR.
Sa regular na proseso ng late application for residency, hindi na kinakailangang umabot sa Office of the Chancellor ang nasabing application, kaya naman kagyat na humingi na rin ang SR ng aksyon mula sa Dekano ng CAS na si Dr. Asunsion Raymundo sapagkat ito ang may pangunahing jurisdiction upang magpasya sa application. Bilang aksyon, iniakyat muli nito ang mga dokumento ng SR sa Office of the Chancellor—prosesong hindi naman pinagdaanan ng mga estudyante ng UPLB o ng anumang UP unit na humingi rin ng late application for residency. Bagama’t maaaring umaksyon ang Dekano ng CAS at bagama’t sila mismo ang nagsabi na dalhin sa Office of the Chancellor ang application, ang naging tugon ng Dekano sa liham ng SR ay “since you had already elevated the matter to the level of the Chancellor, the decision/mandate now lies on him”.
Pinabubulaanan natin ang ipinapalaganap ng administrasyon ni President Roman sa kanilang mga opisyal na pahayag na iniatras ‘di umano ng SR ang application for residency nito noong Enero 12. Kahit kailan, hindi sumulat at nagpasa ang SR ng pormal na liham sa Office of the Chancellor na iniaatras nito ang application for residency, hindi kailanman ito sumulat ng pormal na liham na pinahihintulutan ang sino man na iatras ito sa kanyang ngalan. Patunay rito ang mga liham ni Chancellor Luis Rey Velasco sa SR noong Pebrero 18 at Marso 3 kung saan dine-deny nito ang pag-aapruba sa nasabing application.
Pinabubulaanan rin natin ang ipinapalaganap ng administrasyon ni President Roman na aktwal na pagfa-file ng Leave of Absence (LOA) ng SR. Sumulat ang abogado ng SR na si Atty. Julius Matibag sa Dekano ng CAS upang tunggaliin ang sinasabi ng UPLB na hindi maaaring mag-LOA ang SR dahil sa mga nakabinbin na kaso sa Student Disciplinary Tribunal (SDT) at may intensyon itong mag-file kung gayunman. Ipinagkamali ng Dekano ng CAS ang liham na ito sa aktwal na pagfa-file ng LOA. Ito ay mga impormasyon hindi wastong inilalathala ng administrasyon ni President Roman.
Mapagbalat-kayong nagdadahilan ang administrasyon ni President Roman na ang pagsunod sa panuntunan ang tanging dahilan kung bakit tinanggal ang SR sa BOR, samantalang malinaw na sila at si Chancellor Luis Rey Velasco mismo ang tunay na nagmamalabis, lumalabag, at nag-mamaniobra sa mga proseso ng pamantasan upang maging pabor sa kanila. Malakas ang loob ni Chancellor Luis Rey Velasco na sabihin na siya ay nagpapasiya batay sa “merits” at pantay umano ang pagturing niya sa kaso ng SR at ng iba pang estudyante ng UPLB, habang ang administrasyon niya mismo ang nanlinlang sa SR mula sa wastong proseso na dapat nitong pagdaanan. Mapagbalat-kayo nitong sinasabi na ang kaso ng SR ay kakaiba, ngunit ang malinaw na tanging kaibahan ni Charisse Bernadine Bañez sa iba pang estudyante ng UPLB ay siya ang tanging kinatawan ng mga mag-aaral sa pinakamataas na lupon nito at susi ang pusisyong upang ilantad ang pagmamalabis ng administrasyon ng UPLB. Mapagbalat-kayong nagdadahilan ang BOR na ang dahilan sa pagtatanggal sa SR ay ang “failure to comply with the qualifications to continue serving as Student Regent” habang “incapacity to enroll or file an LOA” at hindi “failure” ang nakalagay sa CRSRS. Malinaw na may kapasidad ang SR na mag-apply kundi lamang iniipit at inaabuso ni Chancellor Luis Rey Velasco ang discretion ng administrasyon nito.
Sa lahat ng ito, hindi maitatanggi na may panlilinlang, panlilito, at pagkukubli ng mga detalye sa bahagi ng UP administration upang ipagtanggol ang pagtatanggal sa SR.
PAGTANGGAL SA SR, SUSI SA PAGPAPATALSIK RIN SA PGH DIRECTOR
Ang pagkakapanalo ni Dr. Jose Gonzales bilang bagong direktor ng UP Philippine General Hospital (PGH) ay isa sa minsang mga pagkakataon na nagtagumpay ang mga sektoral na representasyon sa BOR—ang Student, Faculty at Staff Regents—at nanaig ang desisyon ng mga sektor ng Unibersidad. Ngunit malinaw na hindi ito mapahintulutan nina President Roman at ng Malacanang.
Sa araw ng Disyembre 18, 2009, alinsunod sa palagiang ini-invoke¬ ng administrasyon ni President Roman at kanyang Vice President for Legal Affairs na si Atty. Theodore Te na Section 13 (T) ng UP Charter “the Board of Regents has the power ‘to prescribe rules for its own government’” (na nangangahulugan na may kapasyahan ito sa mga usapin inihahapag rito) pinagbotohan ang mosyon ni President Roman na gawing observer lamang ang SR. Natalo ang kanyang mosyon, 5-4 (pabor sa OSR).
Kabilang sa mga pangyayari na hindi inilalathala ng administrasyon ni President Roman ay ang pagpayag nila mismo na lumahok sa nasabing botohan at hindi pagrehistro ng anumang pagtutol rito. Kahit sa usapin ng paglahok at pagboto ng SR, sila ay pumayag at walang bakas ng pagrerehistro ng anumang “objection” rito. Matapos silang matalo sa botohan para sa PGH Director, saka nila tumutol sa resolusyong sila mismo ang lumahok. Ibinabato ng administrasyon ni President Roman na hindi dapat bumoto ang SR sa nasabing usapin, simple lang ang kasagutan—hindi katulad ng mga Malacañang Appointees na ang tanging kinakatawan ay ang kanilang mga sarili (o di kaya’y ang naglagay sa kanila sa pusisyon),
kinakatawan ng SR hindi ang kanyang sarili ngunit ang pinakamalaking sektor sa Unibersidad ng Pilipinas—ang mga mag-aaral. Ang hindi pagboto ng SR ay hindi pagboto ng mga mag-aaral.Sa kaparehas na araw, Disyembre 18, mapagpasyang boto ang ibinigay natin kay Dr. Jose Gonzales dahil, ‘di gaya ng mga kandidatong may basbas ng Malacañang, malinaw ang kaniyang paninindigan na ang batayang serbisyong pangkalusugan ay karapatan ng mamamayan at gayundin ang sa kanyang matibay na pagtindig laban sa pribatisasyon ng Philippine General Hospital. Si Dr. Gonzales ang napili ng BOR sa botong 6-5 (kabilang ang boto ni Sen. Mar Roxas at Cong. Cynthia Villar).
Hindi kailanman naipaliwanag ni President Roman at ng mga Malacañang Appointees kung bakit hindi nila gusto si Dr. Gonzales bilang bagong halal na direktor ng UP PGH. Matapos ang muntikan nang hindi pag-appoint at pagbibigay ng oath of office kay Dr. Gonzales sa maagang bahagi ng Enero, agad nilang sinubok na tanggalin ang PGH Director at ang SR sa pulong ng BOR noong Enero 29, 2010. Dahil sa malinaw na maniobra sa proseso, nagpasya ang apat na rehente—student, faculty, staff at alumni regents—na mag-walkout sa nasabing pulong. Sa kabila ng kawalan ng quorum o sapat na bilang upang magpasya, unilateral na tinanggal President Roman at ng mga Malacañang Appointees ang SR sa BOR.
Nagsampa na ng kaso ang SR laban sa UP Board of Regents sa Quezon City Regional Trial Court.
PAGKUKUBLI AT KATIWALIAN, KINAKANLONG NG ADMINISTRASYON NG PAMANTASAN
Isang taon nang ikinukubli ng adminstrasyon ni President Roman at ng mga Malacañang Appointees sa komunidad ng UP na lagpas isang taon nang expired ang mga termino ng appointments ng tatlong Malacañang Appointees na sina “Regents” Francis Chua, Nelia Gonzales at Abraham Sarmiento; isang katohohanang ikinubli at kailanman ay hindi binabanggit nina Pres. Roman sa tuwing nagtatanong ang BOR Chair kung may quorum ba sa mga pulong. Ang mga nasabing “Regents” ay hindi appointed bilang regular regents (na may tiyak na termino sa loob ng 2 taon) kundi bilang acting regents lamang, na sa ilalim ng Administrative Code of 1987, hindi maaaring lumampas ang termino ng isang taon—usapin na hindi masagot ng administrasyon ni President Roman at may pagtatangka pang lusutan sa pamamagitan ng pag-iiba ng pakahulugan sa “acting” sa “temporary”.
Sa pulong ng BOR noong Pebrero 25, 2010, maka-isang panig na tinanggal si Dr. Gonzales bilang PGH Director (nang wala pa ring paliwanag) at sa kabila ng paggigiit ng mga sektoral na representasyon sa BOR na magkonsulta, sa mosyon ni President Roman, maka-isang panig rin na inaprubahan ni President Roman at Malacañang Appointed “Regents” ang pagrerekomenda ng kanilang mga pangalan kay Gng. Gloria Macapagal-Arroyo para sa kanilang regular appointment.
Sa mga pangyayaring ito, lantad na sa atin ang tunay na katangian ng UP Board of Regents at kung kaninong interes ang pinagsisilbihan ng mga ito. Payag ang iilang makapangyarihang ito sa prosesong sila mismo ang lumikha hangga’t ito’y paborable sa kanilang pangkat. Minamalaki ang pagkukulang ng tumitindig laban sa komersyalisado at pribatisadong landas na tinatahak ng pamantasan habang minamaliit at ikinukubli ang panlilinlang ng mga kakatig nila sa pagtataas ng matrikula at iba pang bayarin at paglalako ng pamantasan sa pribadong interes.
Tinanggal sa Board of Regents ang Rehente na may tunay na mandato habang abot-langit na pinagtatakpan ang panlilinlang ng mga Rehente na ang tanging kinakatawan ay interes ng Malacañang sa pamantasan.Hindi Board of Regents ang magdidikta sa pagtatanggal sa ating kinatawan. At ang sino mang magtangkang humati sa ating hanay ay walang ipinagkaiba sa kanila.
Hindi kinakatawan ng SR ang kanyang sarili. Ang bawat atake na tinatanggap nito ay hindi atake sa kanyang sarili kundi atake sa karapatan sa representasyon ng lahat ng mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas.
Ang bawat bigwas na tinanggap nito ay bigwas sa ating karapatan sa edukasyon na pinagbayaran ng mga naunang mabubuting anak ng ating pamantasan. Ang laban ng OSR ay laban ng lahat ng mag-aaral ng pamantasan ng bayan.
Totoo at materyal ang tunggalian ng mga interes sa loob ng pamantasan. At tanging sa sama-samang pagkilos lamang tayo matagumpay na mananaig. Mananaig tayo hindi para sa ating mga sarili, kundi para sa interes at karapatan ng kabataan sa edukasyon at upang itaguyod ang tunay na demokratikong pamamahala sa pamantasang walang-imbot na nagsisilbi sa sambayanan.
Para sa mga mag-aaral at sa sambayanan,
CHARISSE BERNADINE I. BAÑEZ
UP Student Regent
SMALL BAND OF PROTESTERS IN UP TURNS VIOLENT |
Wednesday, March 24, 2010 |
A meeting of the University of the Philippines’ Board of Regents was scheduled for 9 a.m. March 24. It did not take place because the entrances were blocked by around 150 protesters. |
A Public Apology from the UP Community Regarding the Events of March 24, 2010Apparently, some Facebook users found the series of issues which caused the student fury irrelevant and went as far as labeling the student and faculty movement way too "barbaric" for their own taste. A UP alumnus, in particular, posted that he "is not part of the imaginary UP Community that a band of uncivilized, urbanized savages claim they represent."
We are from the University of the Philippines (UP), and on behalf of our dear Board of Regents (BOR), especially the esteemed President Emerlinda Roman, we apologize. Contrary to what the whole nation witnessed on March 24, 2010, not all members of the University are rude, uncouth and disrespectful.
Contrary to what the whole nation witnessed on March 24, 2010, there are some of us who still believe in defending our constitutional rights, in democratic governance, in a leader's polite and steadfast service to her constitutents.
We are sorry that our BOR has acted with such vulgarity as to sow disillusionment, disgust and disunity within the University. We are sorry that this kind of confrontational violence has had to happen, but the actions of the UP administration have left us no choice. It is our greatest shame that UP, the "National University," has set the chilling trend among state universities of railroading unjust tuition increases through the blatant disregard of democratic principles. No carefully-worded statement, no polite dialogue, no humble request has been heeded by President Roman and her colleagues. Instead, they have chosen to rudely disenfranchise the UP community, including its sectoral regents, in order to have their way with the University's policies, leadership and overall thrust. These are embarrassing actions which are highly unbecoming of an Iskolar ng Bayan, and on their behalf, we apologize.
We apologize further for the apathy of those in our ranks who seem to be more concerned with civil gestures rather than the welfare of the people. We are sorry that this culture of misplaced priorities has been allowed to spread among the community, no thanks to President Roman being in the vanguard of such an obscene mindset. We do not apologize, however, for our militant actions; again, we wish to emphasize that the inconsiderate leadership of the Roman administration has left us with no other choice but to confront it head-on.
We are sorry to have sullied a national architectural treasure like Juan Nakpil's Quezon Hall, but the damage is not something a coat of paint and a good scrubbing cannot remedy. The damage President Roman and the BOR have caused to the University, to education, and to the people, however, cannot be so easily repaired. For that, we are truly sorry.#
*Please add your signatory by doing the following:
1. Confirm as a guest to this event.
2. At the event wall below, state your full name, course and campus. For faculty and staff, please state your full name, position and college/department.
3. Be a fan of this page (http://www.facebook.com/publicapology).
Note: This is not an actual event, this is a public statement. "Attending" means you wish to be among its signatories.
Feel free to share and invite your friends and colleagues to add their signatures!
The following are the wall posts that followed the reaction to the "uncivilized, urbanized savagery:"
alay, makiki-post lang. mukhang matatalino naman ang mga nagagawi sa FB page mo, maiintindihan nila 'to. pakibasa mo na rin. maraming salamat.
Those squeamish, middle class, “educated” liberals? Yeah, they’ll be the first to pull the trigger when someone hands them a gun."Not your normal, everyday violence (by Frank Lloyd Tiongson)"
Because in the middle class imagination, there is only one kind of violence: the pitchfork-wielding-mob type, the rampaging-soccer-fanatic type, the genocide-instigating-tyran
t type. And when their own naïveté slaps them in the face, when they have been pushed into a corner, they will only know how to wield the same kind of violence – the mindless, destructive kind.
It is no wonder that various forums are flooded with the self-righteous condemnation of the “violent” mass demonstrations in UP and PUP. Throwing school desks from balconies, forcefully barricading the administration building, and lobbing paint at a school administrator, they say, were too much. Those militant activists, a lot of them would say, were uneducated, incompetent fools who let emotions get the better of them. I also saw at least three people quote science fiction writer Isaac Asimov: “Violence is the last refuge of the incompetent.” Well and good. But doesn’t it mean that the Philippine revolution and other uprisings around the world geared to overthrow colonialism were fueled by incompetence? Everything has been reduced to a question of competence, educational background, and etiquette. Perhaps next time those activists can bring a copy of their curriculum vitae before setting fire to a pile of chairs.
What their “education” apparently failed to impart to them is the ability to make distinctions. Constant exposure to ideological state apparatuses can, indeed, do that to a person. Violence, my dear lads, enables you to drink your morning coffee in peace and allow you to step out of the house without expecting anyone to hit you with a bat. It has only been ingeniously masked with the terms “security,” “punishment,” “law,” and “order.”
Hence, once the semantic muck has been cleared, one can always see state-instigated violence – what Max Weber in Politics as a Vocation calls “Gewaltmonopol des Staates” or the monopoly on violence. What makes us stop when the traffic light turns red is not etiquette. It is the knowledge of the violence that the state can inflict on us. After all, it has the whole armed forces, the police, and hired mercenaries, not to mention the horrors of Philippine jail management, at its employ. Law-abiding citizens are necessarily masochists, under constant exposure to different forms of legitimized violence.
Consequently, what results is a misrecognition and misunderstanding of violence. We never consider the state and its apparatuses such as the Board of Regents as perpetrators of violence. They are always the sources of order. While those lofty-minded liberals are quick to denounce violence, they fail to account that violence is very much present even in the minutiae of daily life, even in their haughty declaration that those “violent” hooligans who spray-painted Quezon Hall were uneducated and incompetent activists (which is actually a very poor example of what sociologist Pierre Bourdieu meant by symbolic violence since it can only be inflicted by those who possess symbolic capital).
Hence, everything else that do not fall within the ambit of such legitimized violence is plain and simple violence, such as the radical mass demonstrations in UP and PUP. It is, indeed, a matter of determining which is more violent: a graffiti on the wall, chairs thrown from balconies, or a student unable to enroll because of excessive fees, or a single teacher tasked to check 200 papers for the same measly salary because some person "soberly" decided that it is practical to increase class sizes.
Again, this misrecognition is simply a case of their inability to make distinctions. A closer inspection of the BOR protest would portend that the seemingly “violent” acts were actually carefully calculated. If those “scoundrels” wanted to do violence upon UPLB Chancellor Velasco (and I mean real violence) they would have thrown rocks, plants, and even the entire Oblation statue at him. When Malacañang-appointee Regent Abraham Sarmiento was blocked from entering Quezon Hall to attend the meeting, what prevented the students to hurt him and allow him to go away unharmed? Remember that Sarmiento was the Malacañang-appointee who was behind the whole PGH directorship fiasco and the whole issue on the eligibility of Student Regent Charisse Bañez.
The paintball hurling and the barricading were precise and surgical deployments of violence, enough only to bruise egos. They were symbolic acts intended to remind their targets of the students’ and faculty’s fury. They served to tell them, in the corporeal sense, that the students can touch them, that our discontent is thick enough to be cut by a knife, that there is no such thing as impunity and avoiding accountability. These are far from the mindless, destructive violence pervading the minds of haughty “educated” liberals.
Ironically, it is the same class of people who would recommend filing charges against the demonstrators. They are the same people who would seek harsh sanctions and penalties against those incompetent hooligans for “abusing their freedom of expression.”
Those squeamish, middle class, “educated” liberals? See, they are the first to call for blood.
Today at 9:09am
Kalayaan Fernandez Magno
Pare in the spirit of free expression ill let this float on my wall for a bit. But please, don't turn this into a class war. It's not. Disrespect never commanded respect, ever. That's the simple point of us who condemn the actions in question. The fact is, a lot of us are now a lot less proud to say that we are from UP. Just because a handful, claiming they represent the whole, failed to see how reality works.Today at 9:23am
Rob Jara
@marz: i guess you also missed the point. gusto ko na ring itanong, ano yung sistemang pinaplano "carefully" na makakatulong sa sistema?maganda sanang mailatag, matagal-tagal ng nahihirapan ang masa.
@alay: i never intended this to be some kind of class war. gusto ko lang iparating sa inyo ang punto ng mga mag-aaral, faculty at up staff na nagsagawa ng kilos protesta. gusto ko lang magbigay ng malinaw na basehan sa mga naganap na pagkilos. at oo, tama ka, disrespect never commanded respect, at patungkol na rin yan sa status mo against rain sindayen, at 'yung banta ng pagva-vandal sa mga bahay ng mga nagprotesta.
nakakalungkot na nakakahiya na ngayong masabing iskolar o naging iskolar ako ng bayan, dahil sa ngayon, hinahayaan na lang ng iba na balewalain ang mga karapatan ng estudyante. ang mas nakakalungkot pa, kapag mayroong mga nananatiling lumalaban sa ganitong uri ng represyon at pananamantala, ambi-bilis nating manghusga at magkondena. 'di bale ng walang karapatan ang mga estudyante, basta maging polite at diplomatic sila. di bale ng wala silang representasyon, basta marunong silang sumunod. di bale ng nawawalan na ng saysay ang pagiging "iskolar ng bayan", basta manatili tayong nagsasa-walang kibo at nagbubulag-bulagan.... See More
salamat sa espasyo.10 hours ago
Mixkaela Villalon
Ah, makikisawsaw muna. Na-mention na rin naman ang social contract. We-- members of any State-- give up certain freedoms (such as the freedom to vandalize or burn chairs) on the premise that the State-- in this case, the UP/ PUP admin and Philippine government-- provides for us. For example, I will agree to not kill anyone provided that the State can assure me that no one will kill me. That is the social contract.
But any contract can be void once a party fails to fulfill his side of the bargain. In this case, the Philippine government is failing to provide its people with accessible and quality education by raising tuition fees. The UP and PUP admins are failing to listen to the needs of the student body. Granted, hindi lahat ng UP at PUP students ay naghihikahos na mabayaran ang tuition fees, pero by nature the state universities have a responsibility to poorer students. Sige, para hindi ito maging class issue, let's just make this a liberalization issue-- there are other, private schools that provide quality education for students who can afford the fees. Doon, walang rally kahit umaakyat ang tuition fee. Bakit? Kasi hindi obligated ang private schools to educate students who can't afford their fees.
Bakit sa topic ng social contract. So particular parties have failed to live up their part of the bargain. When this happens, the social contract goes out the window. During these cases, open revolt is righteous and justified.... See More
ALSO: http://www.facebook.com/notes/kenneth-guda/youth-on- and-under-fire/37434555877 8 9 hours ago
Marz Pempena
@Rob, isang carefully planned system na sasakay sa capitalism but is ultimately geared towards social bias instead of trickling down, which at the same time plants the seeds of realization sa lahat ng tao na patronizing the system will promote a more diverse circulation of wealth. Etong mga ganitong systema ang pinag-isipan ng mahusay, plinano, alinsunod sa mga theories and strategies na sinulat ni sun tzu at mao, at siguradong solusyong may tangible results. I hope you appreciate the difference in the amount of calculation and planning between this and throwing paint balls.
@Mixkaela, to be honest i'm as frustrated with the government as you are and as everyone else is, and I'm extremely frustrated with UP/PUP admin dahil short sighted din ang approach ng TOFI. Back in UP i was lobbying for the proper utilization of idle assets ng UP and for placing a system of checks and balances so that the not too much power is vested on the BOR. Kung prinsipyo ang usapan, prinsipyo ang labanan, there is violence there too, and that's okay. Kung iinsultohin nila tayong mga UP students with words, iinsultohin ko din sila with words, there's violence there too. Kung sasaktan nila tayo physically, honestly, sasaktan ko rin sila. That's balance, and only done in self defence. But to address violence expressed in words and principles, with violence in a physical form, which is the most unintelligent and crude, that's just plain barbarism. Kaya nga tayo nag-aral sa premier university ay dahil utak ang ating pinakamalakas na sandata laban sa katiwalian. I'm less proud dahil hindi ganun ang nangyari. Nagmistula tayong mga walang pinag-aralan dahil sa mga bastos na kagagawan ng isang maliit na bahagi ng UP society who claims that they represent the whole. Sorry, but i will never associate myself with such an unintelligent group that resorts to unintelligent behavior.
Ayoko ng TOFI. kelangan tong iwasan. maraming paraan other than this. Mali ang UP Admin/PUP admin/Gov't to have single-mindedly resorted to this. Pero mali rin ang ginawa ng mga nambastos sa tao and sa bulwagan ng dangal. Parehas lang silang nambastos, magkaiba lang sila ng form of expression, pero yes, parehas lang ang BOR/Admin at ang mga nagvandalize. We should be intelligent enough to know that tu quoque is a logical fallacy and cannot be used as a justification... See More
the state is not the government, the state is all of us. My social contract is with all of you, government and citizens alike. So utang na loob, dahil gusali at dangal ng paaralan ko ang niyurakan nyo, humingi kayo ng tawad ng maayos.8 hours ago
Rob Jara
mismong kasaysayan natin ang nagtuturo na kapag hindi na sumasapat ang diplomatikong paraan ng pagkilos, kailangan itong iangat sa mas maigting na porma.
http://www.facebook.com/photo.php?pid=31086655&id=13 42021006
sinabi mo na rin na nambastos ang admin sa pagresort sa TOFI. pero hindi lamang TOFI ang isyu. napakarami. muli't muli, ang hingan n'yo ng patawad ay ang admin sa pagbalewala sa karapatan ng mga estudyante. Napakababaw lang na nagagalit tayo sa vandalismo at pagbabato ng pintura, pero sa mga litaw at maiigting na isyu na direktang naaapektuhan ang mga estudyante, nawawalan tayo bigla ng angas, nagiging lip service na lamang ang pag-kondena sa mga anti-estudyante at anti-mamamayan na mga patakaran.... See More
at sa aking palagay, hindi lamang utak ang pinakamataas nating panlaban sa katiwalian. kailangang sabayan ito ng KONGKRETONG PAGKILOS.7 hours ago
Marz Pempena
mismo, ang pagkilos na ginagawa namin ay tungo sa actual na solusyong uunlad ang mga tao at hindi pagyurak sa karapatan ng iba at sa dangal ng bulwagan.
hindi rin issue kung anu-ano ang issue, ang issue dito ay ang pambabastos ng admin sa tao, at ang pambabastos ng mga vandals sa chancellor, sa paaralan at sa komunidad.
hindi mababaw ang magalit sa pagvandalize sa Quezon Hall, mababaw lang ang respeto nila sa bulwagan. Eh kung may makaaway ka at i-vandalize ang bahay mo, di ka ba magagalit?... See More
uulitin ko, hindi kami naka-tikom sa mga issue, gumagawa kami ng aktwal na solusyong may aktwal na pagbabago sa pamamagitan ng utak.7 hours ago
Marz Pempena
so actually, yun nga, parehas lang sila (Admin at Vandals) na mga bastos na tila walang pinag-aralan, at kung may kakaunting respeto pang natitira sa pangagatawan (kung di pa tuluyang natapalan ng pintura), dapat parehas lang silang humingi ng paumanhin. Di talaga biro ang magvandalize lalo na sa lugar na dapat lamang ay ginagalang.6 hours ago
Rob Jara
sana hindi natin pantay na binibigyang halaga ang sinasabing "dangal" ng bulwagan (na siyang istruktura nito) sa karapatan ng mga mag-aaral at iba pang sektor ng lipunan. sa komento mo, ser, parang ganon ang lumalabas.
at sana, yung ginagawa ninyo (kung anuman 'yon, hindi mo naman nailatag), ay hindi nakalinya sa neoliberal at indibidwalistang ... See Morepamamaraan na siyang pinagpupugayan ng maraming "liberals" habang "sitting pretty" sa kanilang mga tore ng dangal at sibilidad.
iyon lamang, maraming salamat.5 hours ago
Marz Pempena
may kanya kanyang antas ng pagpapahalaga yan ser. ang mahalagang matutunan natin ay ang pagbibigay ng kaukulang respeto ang lahat ng bagay lalo na kung hindi natin ito pagmamay-ari.. i know for a fact that to some people, Quezon Hall represents more than just the structure, so these vandals desecrating the place is not completely disjoint to the ... See Moredesecration of what the place represents. What's worse is that these vandals claim to represent the general sentiment of UP students, which evidently is not the case.
we have different principles and beliefs, and no matter how skewed i find their principles are and how easily they abandon them, i choose to respect these principles in the spirit of freedom. In my discontent, i make effective tangible solutions that have a net positive effect. It doesn't matter whether it's neoliberal or individualistic, for as long as it improves another person's status, that's better than any paint-throwing effort that numbs the students and actually turns them off.
in the end, sa lahat ng pambabastos na ginawa nila, i'm not expecting them to be intelligent enough to understand that what they did is absolutely not right and they must apologize for it. hindi mo namang aasahang humingi ng tawad ang asong ulol diba? This applies to both Admin and idiotic vandals alike.3 hours ago
Rob Jara
" In my discontent, i make effective tangible solutions that have a net positive effect. It doesn't matter whether it's neoliberal or individualistic, for as long as it improves another person's status, that's better than any paint-throwing effort that numbs the students and actually turns them off."
patungkol sa sinabi mong "it doesn't matter ... See Morewhether it's neoliberal or individualistic," ser: it matters. sa sinabi mo, mukhang sa ganitong gana nga nakapaloob ang 'efforts' mo at ng iba pang 'educated liberals,' na umaambag lang sa pagpapahirap ng mga estudyante't iba pang sektor ng lipunan.
at hindi kanya-kanyang pagpapahalaga ang pinairal noon sa UP para matamasa ng mga mag-aaral anumang kalayaan ang tinatamasa sa ngayon, at lalo sa panahon ngayon, hinding-hindi bibitbitin ang ganyang makasariling pananaw.
2 hours ago
"hindi rin issue kung anu-ano ang issue, ang issue dito ay ang pambabastos ng admin sa tao, at ang pambabastos ng mga vandals sa chancellor, sa paaralan at sa komunidad."
This is what happens when the issues are left out of context, when an act is judged according to only "what was done" but not "why it was done" in the first place. I will hypothesize here: If one UP student/alumnus is ashamed of being a UP student/alumnus because of a collective mobilization by the students and faculty members who fought for their rights, then he must also be ashamed of the 1971 UP Diliman Commune during those times which, interestingly, do not differ much from what we experience at present. Oo, kung ganoon ka mag-isip, dapat kahiya-hiya rin para sa iyo ang pagkilos ng mga estudyante noong Martial Law.
Must paintballs and vandalism really anger you more than the repression of your rights? The point of a public demonstration is simple: to demonstrate discontent in a public place. If students and teachers were to vandalize in their own homes and throw darts at pictures of Sarmiento and Roman taped on their bedroom walls, would it make a difference? The point of a rally is exactly that--to make noise, to disturb. And the reason there is noise is that there is a reason to make noise about. If we all just whined in our seats and posted in our FAcebook walls about how "barbaric" and "savage" the establishment can be without really doing anything, that would not make us any different from those who only grieve over property rather than over student repression and violation of very basic human and legal rights.
The problem with the establishment is that they have a mask for their own kind of violence: the law. And if you ask me, this is, by far, the worst and most crippling and terrifying act of treachery. And yes, believe it or not, it does surpass a set of vandals on the white walls of a building, however meaningful that landmark may be. Indeed , "hindi mababaw ang magalit sa pagvandalize sa Quezon Hall." Oo nga naman, "kung may makaaway ka at i-vandalize ang bahay mo, di ka ba magagalit?" Really now, e kung ninakawan mo ang nag-vandalize sa bahay mo ng asawa, yes, you do deserve to be vandalized. In fact, symbolic action lang ang bandalismo kung ikukumpara mo ito sa nawalan ng asawa o in this case, nawalan ng mga KARAPATAN. And the person who so claims to be ashamed of coming from UP because a "minority" desecrated a structure that apparently is more significant than the undeniable student fury should also be ashamed of calling UP "paaralan ko." No, even if you have a diploma that says you are indeed from the premier university, you, however enlarged your ego may be, do not represent the UP "majority," either. And no, the BOR will not make things any better if they just apologize. Duh? Students and teachers did not make a noise just for a "sorry." And the ones who actually went there to mobilize and demand for their rights are not obligated to apologoze to you, either, not because they are "not intelligent enough" to admit that their actions were absolutely wrong, but because you apparently think that you are too intelligent to throw paint balls and vandalize some walls for genuine democratic governance. This is the problem with intellectualism: You're too good for any kind of demeaning action, never mind that your rights are violated. Go on, think your way out of oppression, out of commercialization, out of bureaucracy, out of fascism. The brain might be so powerful that if you think hard enough, it will all go away. Really, sorry, but thanks for playing. That is the only apology you deserve.
Perhaps those who are ashamed should read more about the issues, dahil sa ayaw man nila't sa hindi, hindi isyu ang bandalismo at pagtapon ng pintura rito kundi ang umiigting na galit sa represyong tinatamasa ng maraming estudyante. At kung sakaling hindi nga majority ang nagpunta sa Quezon Hall, simple lang ang posibleng rason: dahil ang mayorya ng UP academe ay nananatiling tahimik, walang pakialam, walang konkretong aksyon. ITO ANG NAKAKALUNGKOT AT NAKAKAHIYA.
There should be a redefining of "violence" here, not to mention, a resetting of priorities, and a collective decision of what we are really fighting for: OUR rights that can be easily taken away from us because of apathy and impunity or a particular building with dirty walls? Lesson learned? 'Wag tayong "out of context." And by the way, "I think, therefore I am for Gibo?" Seriously, man, think again. This article may enlighten us all on the matter.
ETIKA NG PROTESTA ni Prop. Danilo AraoMga bastos at terorista. Ganito raw ang mga hindi kagalang-galang na aktibista.
Ano pa nga ba ang matatawag mo sa mga naghahagis ng mga silya’t mesa palabas ng mga klasrum para sunugin? Ano pang termino ang gagamitin mo sa mga puwersahang nagbubukas ng kinandadong gate ng kampus?
Ang opinyong pampubliko ay nananatiling kontra sa mga aktibista: Sadyang walang karapatan ang mga galit na estudyanteng sirain ang gamit sa loob ng kanilang unibersidad. Sadyang ang mga aktibista ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa Sta. Mesa, Maynila ay pawang walang urbanidad!
Maraming nagsasabing tama naman ang ipinaglalaban ng mga nagpoprotestang estudyante. May karapatan daw silang umalma sa plano ng administrasyong itaas ang matrikula mula P12 papuntang P200 bawat yunit para sa ilang kurso. Kahit na apektado lang ang incoming freshmen ng PUP, ipinapakita ng mga nagpoprotestang estudyante ang pagpapahalaga nila sa kinabukasan ng kabataang mahihirap.
Sa konteksto ng kilos-protesta sa isang normal na lipunan, ang pagsasagawa ng mapayapang demonstrasyon o kahit pakikipagsigawan sa awtoridad ay tinitingnang katanggap-tanggap. Wala naman daw kasing pisikal na nasasaktan sa palitan ng kahit maaanghang na salita. Pero ibang usapin na diumano kung naninira na ng kagamitan. Dito raw nagkaroon ng malaking pagkakamali ang mga aktibista, kaya nararapat lang na parusahan sila.
Para naman sa mga aktibista ng PUP, ang argumento nila’y umabot na sa sukdulan ang kanilang pasensiya. Wala na raw silang iba pang magawa sa sitwasyong ayaw pakinggan ng administrasyon ng PUP ang hinaing nila. Kahit na sabihing labag sa batas, ano pa kaya ang kanilang opsyon para mapakinggan sila ng mga nasa kapangyarihan?
Nang dinala nila ang kanilang galit sa mismong opisina ng Commission on Higher Education (CHED) noong Marso 24, nagdesisyon ang tagapangulo ng nasabing ahensiya na hindi nito aaprubahan ang anumang pagtaas ng matrikula sa PUP at dalawa pang state universities and colleges (SUCs). Ayon sa CHED, hindi raw napapanahon ang pagtaas ng matrikula bagama’t malinaw na hindi sapat ang P12 bawat yunit para mapondohan ang kinakailangan para sa operasyon ng PUP. Bilang alternatibo, tutulong daw ang CHED sa alternatibong paraan ng pagkakalap ng pondo tulad ng pagkuha ng donasyon sa alumni.
Masasabing may pansamantalang tagumpay na nakamit ang mga nagpoprotestang estudyante ng PUP dahil sa kanilang mga mapangahas na pagkilos. Pero walang lugar para sa pagbubunyi sa puntong ito dahil may malaking posibilidad ng pagsasampa ng kaso para sa ilan sa kanila.
Sa katunayan, may inaresto nang ilang estudyante ng PUP na sinubukang ilabas ang mga silya para dalhin sa opisina ng CHED noong Marso 24. Ayon sa pulis na hiningan ng tulong ng administrasyon ng PUP, baka kasuhan ang ilang estudyante ng pagnanakaw dahil hindi sila humingi ng permiso para sa mga nasabing gamit.
Mali na kung mali, pero ano ba ang nagtulak sa mga estudyante para maging matapang at mapangahas? Madaling sisihin ang kanilang aktibismo. Hindi ba’t sa Pilipinas ay parating may kasalanan ang mga aktibista, pati na rin ang mga komunista? Sa subhetibong antas, puwede ring tukuyin ang maling pagpapalaki sa kanila bilang ugat ng kanilang diumanong pagkaligaw ng landas.
Pero may malaking kontradiksiyong hindi masyadong halata. Inaasahan ng maraming tao ang pagkakaroon ng mapayapang pagkilos ng pinagkakaitan pero hindi nakikita ang bayolenteng katangian ng mga nasa kapangyarihan. Kung susuriin nang malalim ang nangyayari sa PUP, mahaba ang listahan ng panggigipit sa mga estudyante, kasama na ang kawalan ng konsultasyon sa planong pagtataas ng matrikula.
At kung aalamin ang konteksto ng paghahagis at panununog ng mga silya’t mesa, malalamang ginawa ang mga ito bilang simbolikong pagpapakita ng literal na kabulukan ng edukasyon sa PUP. Batay sa testimoniya ng ilang lider-estudyante ng PUP, ang mga inihagis at sinunog na silya’t mesa ay mga sira na’t hindi na napapakinabangan ng mga estudyante. Matagal na raw dapat na itinapon ang mga ito pero hindi ginagawa ng administrasyon.
Nakakalungkot lang na ang midya’y hindi nagpalalim sa kontrobersiyal na puntong ito sa pag-uulat sa mga nangyayari sa PUP. Kung naisakonteksto lang at naipaliwanag ang kabulukan ng pasilidad, makikitang may malalim na dahilan ang mga estudyante para mag-alsa at ang porma ng protesta ay hindi produkto ng mga utak-pulbura. Ang mapangahas na pagkilos ay nagresulta sa bayolenteng katangian ng kinasasadlakan nila.
Paano magiging mahinahon kung hindi na nakikinig ang administrasyon at patuloy ang panggigipit? Lohikal bang pagsabihan ang mga estudyanteng patuloy na ginigipit na pahabain pa ang kanilang pasensiya?
Siguro’y kailangan din nating itanong ang mga bagay na ito sa pagsusuri sa nangyaring kilos-protesta ng mga estudyante, guro at kawani sa Quezon Hall sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) Diliman noong umaga ng Marso 24 bago ang naging pagkilos sa opisina ng CHED. Naging laman ng midya ang pagtatapon ng pintura sa Chancellor ng UP Los Baños matapos hamunin ng huli ang ilang estudyanteng batuhin siya.
May tila maliliit na bagay na naiwan sa ulat ng midya. Hindi napabalitang niyakap ng isang babaeng miyembro ng UP Police ang isang kapwa babaeng lider-estudyante na nanghina’t napaiyak sa sobrang galit sa komprontasyon niya sa UPLB Chancellor. Sa halip na arestuhin, dinala siya sa isang malilim na lugar para makapagpahinga. Pagkatapos nito’y inabutan naman ng tubig ang nasabing estudyante ng isang security aide ng mataas na opisyal ng UP. Kung ano ang pag-aalala ng kanyang mga kasama’y siya ring pag-aalaga ng mga dapat ay kaaway niya.
Kahit na may ilang maiinit na ulong nakipagsigawan sa ilang estudyante’t kawani ng UP, kapansin-pansin ang simpatiya ng ilang miyembro ng UP Police sa ipinaglalaban ng mga naroon. Sa katunayan, ang ilang pulis na inakusahan ng mga estudyanteng nanulak sa kanila ay nadala naman sa mahinahong pakiusap na mapayapa ang ginagawang pagkilos at kailangan ang kanilang maximum tolerance.
Kung sa PUP ay iisa lang ang matingkad isyu sa kasalukuyan, sa UP ay patong-patong na usapin ang kinakaharap – pagkakatanggal ng Board of Regents (BOR) sa Student Regent dahil sa isang maliit na teknikalidad; pagbawi ng BOR sa naunang appointment ng direktor ng Philippine General Hospital (PGH) at pagtatalaga ng bagong direktor na malapit sa administrasyon; planong pagpapalaki ng mga klase para dumami ang estudyante’t lumaki ang kita ng UPLB; planong pagbubuwag sa UP Cebu High School; at planong pagtatalaga bilang UP Mindanao Chancellor ng isang kontrobersiyal na propesor. Bukod sa mga ito, hindi pa natatalakay ng BOR ang iba pang maiinit na usapin tulad ng desisyon ng UP President na i-deny angtenure appeal ng isang aktibistang propesor sa UP Diliman.
Kung alam mo ang nangyayari ngayon sa loob ng UP, maiintindihan mo ang kakaibang porma ng pagkilos ngayon ng mga estudyante, partikular ang paggamit ng paintball bilang simbolo ng protesta. Tulad ng sitwasyon sa PUP, patuloy na nagbibingi-bingihan at nagbubulag-bulagan ang administrasyon ng UP sa hinaing ng karamihan. Ang kultura ng walang pakundangan (culture of impunity) na naging bahagi ng pagpapanatili ng kasalukuyang gobyerno ng Pilipinas ay buhay na buhay sa loob ng pamantasan.
Gaano ba kawalang-pakundangan ang mga opisyal sa kasalukuyan? Ayon sa testimoniya ng ilang dati at kasalukuyang miyembro ng BOR, may isang matandang miyembro ng BOR na sinabihan noon ang isang abogado ng UP: “Don’t lecture us about the law. We can do whatever we want. We are the Board of Regents!”
Sa ganitong konteksto, wala tayong karapatang humiling sa mga nagpoprotesta na magpakahinahon. Umabot na sa sukdulan ang kultura ng walang-pakundangan sa pamantasan. Kung kahit ang mga lider ng unyon ay hinahamon ng Chancellor ng UPLB ng suntukan, malinaw na hahanap at hahanap ng iba pang porma ng protesta ang mga estudyante, guro at kawani.
Kailangang malamang hindi lang mga aktibista ang nagpoprotesta sa UP. Halimbawa, ang maraming doktor, nars, at iba pang health workers na dati’y kontento na sa paggampan ng kanilang trabaho sa PGH ay nagmamartsa na ngayon kasama ang mga estudyante. Sa katunayan, noong Marso 24 ay nagpadala ng text message ang associate dean ng UP College of Medicine (UPCM) na nagbitiw na siya sa kanyang administratibong tungkulin dahil sa tinagurian niyang “death of democracy and BOR tyranny.”
Ayon naman sa isang mapagkakatiwalaang impormante, inaantabayanan ang pagsusumite ng mass leave ng 50 propesor ng UPCM sa mga susunod na araw. Kumakalat na rin sa social networking sites ang plano ng mga konseho ng estudyante (student councils) ng UP na ipagpatuloy ang iba’t ibang mapanlikhang protesta hanggang sa university graduation sa Abril 25.
Sa mga susunod na araw at buwan, huwag sana nating tingnang simpleng pambabastos o teroristang hangarin ang anumang gagawin ng mga nagpoprotestang sektor sa pamantasan. Kung pagbabatayan ang nangyari noong Marso 24, ang protesta ay simbolikong pagpapahayag lang ng pagtutol at walang naging pangmatagalang pinsalang nagawa.
Dapat pa ngang tingnang ang nangyaring kilos-protesta ay isang pagtitimpi ng mga dumalong estudyante, guro at kawani. Baka mas malala pa ang nangyari sa mga miyembro ng BOR at ilang opisyal ng UP kung tunay na nagpadala sila sa simbuyo ng damdamin.
Kung isasakonteksto lang natin ang lahat ng pangyayari, malalaman natin kung sino ang tunay na bastos at walang pakundangan sa kapakanan ng kapwa.
It's an ingrained knowledge that some highly sensationalized negative action cannot use common good as an excuse. It is the understanding that even as we break some laws which we do not necessarily stand by, and risk government violence, there are other laws more forceful than those which are written in the constitution or any legal document. It's an understanding of a social contract that guarantees coexistence in a society that uses brains over brawns, pens over pitchforks, mind over.. well.. matter.
There is nothing calculated with throwing paint bags as substitute for stone. If that is the measure of what is calculated for you then i can see how your puny cognitive capacity can justify such an act. These "squeamish, middle class educated liberals are carefully plotting a system that will help the society in ways your violent nature can't apparently understand by creating a system for self-sustainability. That's calculation. Throwing paint balls? The only calculation there has to do with ballistics, and that's even more a function of muscle memory rather thank intellect.... See More
Some acts of violence are justified of course, but not this.